Chapter 9

26 3 1
                                    

ANNOUNCEMENT!

Hi! It's been a long time! I hope you'll read this.

I'm sorry I wasn't able to update FOACHH. I was busy for the past few months. But I'm doing all my best to finish the story.
The updates for FOACHH will resume! And was planning to finish the story within this year!

I would like to thank also to my best of friend Janina Castillo for making my Book cover. Hahaha It's been 3 years since I published this story( karon pa jud nailisan og cover😂). Thank you so much Nin 😘.

I'm writing this on my phone so forgive my typos and grammatical errors! Thanks!

This chapter also dedicated to all my supporters and my readers in here!

Dedicated chapter:
@charlitaenoc
@hushedandserene
@loreenfaye
@hapdinganjalili

All rights reserved 2017
@revzrevzrevz

Chapter 9

Ilang araw na nanatili sila sa Italy pagkatapos ng kasal. Gusto niyang samantalahin ang pagkakataon para makapag-shopping nandito na rin lang siya. Gusto niyang matawa. Talagang ginawang makatotohanan ni Kiev ang kasal nila sa paraang binigyan pa siya nito ng wedding ring na isinusuot nito sa daliri niya sa araw ng kasal nila.

Kunsabagay  ay may katwiran si Kiev na gawin iyon. Napaka unusual naman iyong ikinasal sila na wala siyang wedding ring. Both of them can certainly afford to buy it.

Ang hindi niya maitindihan ay ang mukha nito noong isinusuot na sa daliri niya ang singsing. Thoughtful at seryoso ang anyo nito na para bang iisipin niya ay nadala ito sa sinasabi ng nagkasal sa kanila.

At nang sabihin ng nagkasal sa kanila ay "kiss the bride" ay kumislot siya at kinakabahan. Bahagya siyang napaatras subalit banayad siyang hinapit ni Kiev.

The kiss should have been brief. Iyon ang inaasahan niya pero hindi ganoon ang ginawa ni Kiev. He was kissing her thouroughly but tenderly walang malisya. Just an honest to goodness kiss na dapat ibigay ng ganoon sa bride. Ang kaibahan nga lang ay bahagya itong tumagal.

Gusto niyang magalit nang bitiwan siya nito pero hindi niya nagawa iyon sa harap ng nagkasal at ng mga witnesses. Nakakahiya kaya sa sarili pag ganoon ang ginawa niya sa harap ni Kiev at sa iba.

Pagkatapos ay dinala siya ni Kiev sa isang restaurant. It was small and cozy. Sa isang sulok na mesa siya dinala nito at nagulat siya sa ibabaw ng mesa ay isang vase ng sariwang mga rosas kulay pula lahat at ang gaganda.

Nagkataon lang ba na nahulaan ni Kiev ang paboritong kulay niya ng mga rosas? Hinila nito ang silya niya at naupo siya. Hindi sa tapat naupo si Kiev kundi sa tabi niya.

"Ipani-reserve mo ba ang mesang ito?" tanong niya na sinabayan ng linga sa paligid at alam na niya ang sagot. Ang mesa lang nila ang may mga bulaklak.

"This is at least I could do para sa reception natin Mrs. Gregor," naka ngising sinabi nito na humugot ng isang stem at ibinigay sa kanya.

"Itinanong ko kay Azael ang paborito mong bulaklak bago tayo patungo rito."

"Talagang gusto mong gawing makatotohanan ang okasyong ito, ha Kiev?" sa malamig na tono.

"You will be married only once, Sherika. At kahit siguro totoo sa loob natin ang kasal na ito ay ganito pa rin ang gusto kong gawin simple at tahimik. Ayoko ng kasal na ginagawang kamahal ng iba ang okasyon," seryosong sabi nito na ikinataas ng kilay niya.

"You will be married only once, Sherika." Iyon ang sinasabi ni Kiev sa kanya. Gusto niyang salungatin iyon pero wala siya sa mood makipag talo. If the man wanted to feel romantic sa araw na iyon di pababayaan niya.

FIRE ON A COLD HEARTED HEARTजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें