Chapter 10

17 3 5
                                    

Hindi maiwas ang hindi sulyapan ni Sherika si Kiev habang tahimik na nagmamaneho. Sa english term he has a hawk-like profile. Matangos ang ilong na bahagyang-bahagyang natabingi sa gitna na tila bakas ng pakikipag-suntukan. Naka-dagdag lamang ito sa karakter ng mukha nito. Maiitim at prominente ang mga kilay at pilikmata. Gusto niyang isiping lalong nag-iitim ang mga ito pag nagagalit. Ito ang asawa niya at mananatiling asawa sa loob ng isang taon.

"You can turn on the audio if you want," basag niya sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa habang nasa biyahe.

"Huwag na, okay lang," simpleng tugon niya dito.

"Saan ka tumutuloy sa Maynila pag lumuluwas ka?" Tanong niya dito. Hindi agad ito sinagot ni Kiev. Nakita niya ang pag-iigting ng mga bagang nito.

"Dating mayroon pero kasama sa na for-close. I'm sorry to say ng bangko mo."

"Maybe you're not aware of what had happened to my father?" Nilingon siya nito at bahagyang tumango siya.

"I've rented an apartment there. Doon ako tumutuloy pag nasa Maynila ako. I want to bring you there pagka-galing natin ng Italy. Pero wala gaanong gamit doon dahil bihira naman kasi akong lumuwas nitong nakaraang mga buwan." Mahabang paliwanag nito sa kanya.

"Why can't I stay in my place, Kiev? I don't think may pagkakaabalahan ako doon."

"You're my wife at kung saan ako naroon ay dapat na naroon ka rin. If you're talking about something to do ay marami kung gugustuhin mo. You have two bank branches in Lucban. You can do a random check."

"Ano ang sasabihin mo sa mga kakilala at mga kaibigan mo pagkatapos ng anim na buwan at naghiwalay na tayo?"

"As the saying goes, I'll cross the bridge when I come to it. Pansamantala ay gampanan mo ang tungkulin mo bilang asawa ko sa harap ng mga kakilala at mga kaibigan ko." Nilingon siya nito at muli ay ngumiti na tila nakakaloko.

"Ano ang malay mo, baka bago dumating ang anim na buwan ay magawa kong palambutin ang puso mo and you might fall in love with me," sinabi ni Kiev iyon ng may himig-biro pero nag-iinit ang mukha ni Sherika.

"Malayong mangyari iyon, Kiev. Wala akong intensyong madama iyon o kahit na kanino pa mang mga lalaki," angil niya.

"What have got you against love, Sherika?" 

"Oh nothing," sarkastiko niyang sagot.

"".....maliban sa ginagamit ng ibang mga tao ang salitang iyan para dominahan ang kapwa tao."

"Loving is giving, Sherika. Hindi pagdodomina iyon."

"Oh,don't preach, Kiev. Hindi ako interesado sa subject na iyan."

Marahang tumango si Kiev na sinabayan ng kibit ng mga balikat.

"Siguro nga. And I could probably melt the whole arctic region pero hindi ikaw. Sa araw-araw na nakakasama kita ay binibigyan mo talaga ng justification ang tawag sa iyo ng iba."

"Wala akong pakialam sa sinasabi ng mga lalaking iyon. Sinasabi lang nila iyon because they can't lure me into their beds. Those men bore me to death!."

"Well,I hope na nasa mga araw na darating ay hindi ako mapapabilang sa mga inakusahan mong "bore" my dear wife."

"Sana nga" ang nasa isip niya.

Makalipas ang mahabang biyahe ay natawanan na niya ang arkong kahoy na may nakalagay na Gregor Farm. Sa buong buhay niya ay noon lang siya nakakita ng walang katapusang hilera ng nagtatayugang niyog.

"Gaano ka lawak ang niyogan mong ito?"

"A few hectares pero sapat nang buhayin ang asawa at ang magiging anak namin," naka ngiting sinabi nito.

FIRE ON A COLD HEARTED HEARTМесто, где живут истории. Откройте их для себя