Chapter 8

301 12 10
                                    

Chapter 8

Dang minuto nang naka alis ang lalaki ay hindi pa rin tumitinag si Sherika. Tama ba ang ginawa niya? O mas tamang itanong kung tamang lalaki ang napili niya? At bakit kaninang hagkan nito ang likod ng palad niya ay tila may kuryenteng nanulay sa braso niya mula roon? Dala ba iyon ng nerbyos o dala ng galit sa pagiging antipatiko nito?

Huminga siya nang malalim at dinampot ang telepono. Dinayal ang kaibigang si Azael.

"Tara sa coffee shop sa Intercon Hotel, sa Jeepney." aniya dito.

"I'll be there in twenty five minutes," sa kabilang linya.

Halos magkapanabay lang silang dumating ni Azael sa Jeepney Coffee Shop sa ground floor ng Intercon Hotel.

"Congratulations is in order. I'm getting married in a few days time," sarkastikong wika niya matapos nilang maibigay ang order sa waiter.

"Really! gulat na sagot ni Azael. "May nakita ka na? Sino? Sunod na sunod na tanong sa kaibigan.

"Kilalang-kilala mo. Kiev Gregor." Hindi niya sinasalubong ang mga mata ng kaibigan. Binuklat-tinupi ang table napkin.

"Si Kiev! Pero......papaanong...?"

Ipinaliwanag niya kung paano nangyari. Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Azael.

"Good old Kiev Gregor. I can't believe it. At nag presyo, ha?"

"A very very expensive husband, indeed," ni hindi siya mangiti.

"Hindi ko talaga gustong mani walang napapayag mo si Kiev sa proposal mo, Sherika. Malayo sa karakter niya iyon," ani ni Azael. Dumating ang waiter at inilapag any order nila.

Umismid si Sherika. "Three million ang kapalit, Azael. Sino ang tatanggi? Definitely, no one in his right mind. At balita KO ay broken family siya."

"Ewan ko rin. He defied his father's millions then para lang huwag matali sa gusto nito." Nag kibit ito ng balikat. "Kung sa bagay ay noon iyon. Bata pa siya at idealistic. At ayon sa balita na Ewan kung may katotohanan ay utang ang minana niya sa ama niya."

"Precisely. I don't want to sound conceited pero sa halagang hiningi niya at ako bilang temporary wife? Lord, ano pa ang mahihiling niya?"

"But you sounded conceited," na ngingiting sagot ni Azael. "Kailan ang alis ninyo patungong Italy?"

"In two or three days time. And hear this, Azael. Ang Isa sa mga kundisyones ng Kiev na iyon ay sa farm niya kami maninirahan sa duration ng marriage under his own provision."

"Tumaas ang Kilay ni Azael. "That's sound the old Kiev Gregor na kilala ko."

"I cannot imagine myself living in the country for so long." Binuksan niya ang bag at dinukot ang sigarilyo at nag sindi.

Sa pagitan ng manipis na usok na binuga ni Sherika ay tinititigan siya ng kaibigan. Alam nitong sa kabila ng matigas at kontroladong front ay na tense siya. Hindi nito tiyak kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw. Hindi maninigarilyo si Sherika kung kalmante ito.

"Kung sana'y si Geoffrey na lang pinili mo darling, di sana'y naka-titiyak kang walang magiging komplikasyon.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Kilala kita, friend. You don't want people to push you around and manipulate you. You don't take order from anyone but I guess you have to put up with Kiev sa susunod na mga araw kung gusto mong matapos ang piyong buwan ng smooth sailing."

"Hindi kita naiintindihan. Why do I have to put up with him?"

"Kiev is nice and dependable, Sherika, kung ikaw iyong submissive type. A woman's man. Pero alam kong hindi ikaw yon. And Kiev is ruthless, rough, arrogant and a domineering brute."

"Bakit ganoon mo na lang siya kakilala?"
"Barkada at classmate niya ni kuya years back. I also once  had a crush on him pero kapatid lang ang turing noon sa akin. And I saw and heard a number of women who cried over him."

Muli siyang humithit ng sigarilyo. "He was certainly attractive. If you cared for the Arnold Schwarzenegger and Sylvester Stallone type. Or somehow ang younger version ni Jack Sparrow." Sinabayan niya ng kibit ng balikat. "Well, I find Jack Sparrow very sexy. Pero kilala mo Ako, Azael. Wala akong tiyaga sa mga ganoong flirtations. Huwag kang mag-alala, kaya ko si Kiev. He is just a man at nabayaran ko siya."

"Sana ay tama ka, friend,"mahinang sagot ni Azael na itinuon na ang pansin sa pagkain.



Naririnig na niya ang doorbell pero hindi niya gustong bumangon. Alas DOS pasado na ng madaling araw siya inihatid ni Geoffrey dito sa Valle Verde mula sa dinaluhan nilang party.

Tinakpan niya ng unan ang ulo niya para hindi marinig kung sino man ang nag ring ng bell. Pero mapilit ang kung sino mang iyon na nasa labas. Naka pikit pang na pilitan siyang tumayo. Naka bikini briefs lang siya at antok-antok pang inabot ang manipis na terry robe sa dulo ng kama. Half awake ay inabot ang wristwatch niya sa tabi ng night lamp.

Alas syete! Napa kaaga nito para sa gising niya kahit hindi siya puyat. Kung sino man ang tao sa labas ay tiyakin nitong importante ang sadya or he will be sorry.

Kung hindi niya pa memoryado ang unit niya ay baka na dapa na siya dahil halos naka pikit pa siyang lumabas. Tinungo a ng pinto at inalis ang lock. Pabalyang binuksan ito.

"Good morning,"ani ni Kiev na naka ngiti at bago pa siya tuluyang nagising nang totoo ay nasa sa loob na ito.

Wala sa loob na isinara niya a g pinto at sumandal dito. Mangha pa ring naka titig sa lalaki. Ano ang gagawin niya? Magtatakbong papasok sa silid na tila virgin prude dahil maiksi at manipis na terry robe lang ang suot niya? O, tumayo at harapin ng nakataas noo pa sa suot niya ngayon ang mga pampaligo niy?

(Bikini iyon at nasa pool o beach ka.) Katwiran niya sa sarili.

"Maaga ka. I ...never expect you to be here until eleven," aniya sa binatang prenteng naka upo sa sofa niya with lazy and mocking smile on his lips.

"Sinabi kong paparito ako nang maaga. Tanghali na ang alas onse, Sherika. Kung sabagay, sa isang socialite na tulad mo ay maaga pa ang oras na iyon." Kumikislap ang mga mata nitong hinagod siya ng tingin. Pina mulahan siya ng mukha sa pagsuring iyon ni Kiev sa kabuuan niya. Pakiramdam niya ay hubad siya.

"But I'm glad I came this very early, Sherika," may amusement sa tinig at mga mata nito. "Tulad ka rin pala ng ibang mga babae pag bagong gising. Gulo ang buhok, walang make up, at may bahagya pang langis sa dulo ng aristokratang ilong." Tumayo ito at marahan siyang nila pitan. Hinawakan ang baba niya at itinaas. Nanatili siyang naka tanga sa pagka bigla. "You're one of the few women who can look good in the morning, Sherika. Natural na natural. Parang baby. Iyan ang kaibihan mo sa ibang babae sa umagang I to," he whispered at bago pa nakakilos ang dalaga ay dinampian siya ni Kiev ng halik sa mga labi.

Mabilis siyang humakbang ng paatras mula rito. Tumalim ang mga mata.

"Wala kang karapatang gawin iyon, Kiev Gregor!"
"Come on, Sherika. Kung hindi ko pa kabisado ang sosyedad na ginagalawan mo ay baka ma konsensya pa ako sa pananalim ng mag mata mo. Hindi ba at higit pa riyan ang ginagawa niyo ni Geoffrey?"

"Kung anuman ang ginagawa namin ni Geoffrey ay wala kang pakialam, Kiev. I know you're reputation when it comes to women. Gusto kong ipaalala sa iyong ang kasunduang ito ay purely business!" mariin niyang sinabi sa pagalit na paraan.

Nag kibit ng balikat si Kiev "Maliwanag sa akin iyo, Sherika. Pero siguro ay hindi mo aasahan sa akin na manatiling Santo sa panahong magkasama tayo?" So don't expect me to be a faithful and adoring husband na lagi lang sa tabi mo."

"Wala akong pakialam sa mga affairs mo,Mr. Gregor. Lamang, itago mo at huwag mong ipangalandakan sa harap ko. Have a decency to be discreet about it."

"No problem," sang-ayon ng binata. Habang hinihintay ko na ibigay mo sa akin ang pass port mo, can I make myself a cup of coffee?"

"Be my guest!"

                     ___

Adiós !!!

FIRE ON A COLD HEARTED HEARTWhere stories live. Discover now