FIRST MEET

63 6 0
                                    

AUTHOR’S NOTE: DAHIL HINDI AKO BIHASA SA HANGUL, ENGLISH AT TAGALOG  NA LANG PO ANG LENGGWAHE NA GAGAMITIN KO MASKI SA MGA KOREAN CHARACTERS’ POV. I'M HOPING FOR YOUR KIND CONSIDERATION. PLEASE CONTINUE READING PO. KAMSAHAMNIDA! :D

Incheon airport. 6 o’clock in the morning. Spring.

HELLO SOUTH KOREA! PAPA, MAGKIKITA NA TAYO. Bulong ko sa hangin. Ang gaan ng pakiramdam ko. Hinawakan ni Hannah ang kamay ko. At sabay namin pinakawalan ang pinakamatamis na ngiti para sa panimula ng katuparan ng aming mga pangarap.

One month later.

Ang saya talagang gumawa ng kape. At ang dami kong bagong techniques na  natututunan. Kumusta naman kaya ang kusina ng bestfriend ko? Gabi na kami nagkikita after ng duty namin. At di na namin magawang magkwentuhan dahil sa pagod. Iisang hotel lang tinutuluyan ng mga nag o-OJT, and so far, hindi pa naman kami ginagambala ng dalawang brats. :P

Week end.

Unang beses kaming binigyan ng break from duty. Ohorat! Ika nga ng bestfriend ko. Expression daw yun ng bias nyang si Oh Sehun pag excited sya. Kfine. XD may dalawang araw kami para magliwaliw. Yohoho! Dalawang araw din yun!

Unang destinasyon? SM ent.

Bakit? Kase according to my research, sa SM ent nagtatrabaho ang isang Dave Park as Chief Security.

We get there at 6 in the morning. Sabi kase ni Hannah, dapat daw maaga kami. Sarado pa ata nung dumating kami. Haist! Pasilip-silip kami ng biglang may bumusina sa likod namin.

“sh**!” gulat na gulat ako.  May bumabang mama,

“Hey!”  sabay senyas na parang pinapaalis kami sa kinatatayuan namin.

Hindi kami nakapasok ng araw na yun. Umuwi kaming nga-nga. :”(

Bumalik ako kinagabihan. Hindi ko na pinasama si Hannah para makapamasyal sya  kasama ang mga classmates namin.

It is already 11 in the evening. Nangagawit na ko at nilalamig. Ang higpit ng security. Di pinapapasok ang walang appointment. WTF! >_<

May  grupo ng kalalakihan ang lumabas. Lumundag ang puso ko. Di ako pwede magkamali. Isa sa kanila si Papa! Tumakbo ako palapit sa kanila.

“Excuse me. I’m Kendra Galvez Park. I’m the daughter of Mrs. Jamie Galvez Park, your wife from Philippines.”

Nakatingin lang sya saken habang ako parang sasabog na dibdib ko sa mga magkakahalong pakiramdam. Gustong-gusto ko na syang yakapin.

At di ko na napigilan, niyakap ko na sya. But he push me at na-off balance ako. Nagulat pa yung mga kasama nya sa ginawa nya.

“I’m sorry miss but I don’t know you. Let’s go.” Nagtuloy-tuloy sila sa isang nakapark na kotse.

“Wait papa! It’s me, Kendra!” umiiyak na ko. Di ko alam ang gagawin ko. I didnt expect it would turn out like this.Parang wala akong lakas na tumayo mula sa pagkakatumba ko kanina.

Humahagulgol na ko and I felt someone grab my arms. I look up and I saw a familiar face. Saan ko nga sya nakita? Sa TV? sa mga magazines? Ewan!

“Miss, let me help you. Are you ok?” tinulungan nya ko tumayo.

“Xiumin!” tawag sa kanya ng mga kasamahan nya. “Yeah, I’m coming.” Hinubad nya ang jacket nya at isuot saken.

“You go home now. You might catch a cold.” At tumakbo na sya sa kotse.

Lumingon pa sya bago tuluyang spumasok sa loob ng kotse.

I was left there standing in the cold night.

Papa…. :’(

I am totally breaking down. Bakit di nya ko pinakinggan? Bakit din nya ko nakilala? So many questions. Ang sakit na ng ulo ko. Gusto ko sumigaw dahil sa sama ng loob. I was waiting for this for more than 10 years. Bakit Papa? TT_TT 

May biglang lumapit na babae.

“Miss? Are you ok? Someone called me up to check on you. Let me take you home miss.”

Blangko ang utak ko, sumunod lang ako sa babae at tanging pangalan lang ng hotel ang nasambit ko.

I am still crying when we get to the hotel. Gulat na gulat si Hannah. Pinahiga nila ko sa kama. Nakita ko silang nag uusap. Di ko masyado madinig. Pumikit na lang ako. Hanggang sa wala na ko maalala.

~ ~ ~

“Good morning!” ang ganda ng smile ni Hannah. Medyo nasilaw ako sa sinag ng araw kaya napikit ako.

“Good morning din.” Matamlay na sagot ko. Masakit pa rin ang ulo ko.

“Hey! Bangon na. Papasyal ulet kami sa Namsan.  Sasama ka, ok?”

“Hindi ako makakasama. Kailangan ko bumalik sa SMent building.” Bumangon ako at dumiretso  sa banyo. Di ko na narinig si Hannah na nagsalita. Kilala nya ko, pag sinabi ko, gagawin ko. At walang makakapigil sa gusto kong gawin.

YOU FOUND MEWhere stories live. Discover now