TWIST OF FATE

45 4 0
                                    

KENDRA’S POV

Haaayyy! Naayos din ang mga gulo. Nagkukwentuhan na si Kyungsoo at Yannie. Nagpaliwanag na din sina Ashley at Agatha, akala daw nila mga trespassers dahil di sila nainformed na may iba pa palang bisita si Cassey sa private beach nila. Ok na kay Tao, Kai at Sehun ang paliwanag ng dalawa maliban lang kay Chanyeol at Baekhyun na mukang di pa rin ata nakakapagmove. Grabe! Di ko akalain na gulo pala ang resulta kapag nagkasama-sama kami. Speaking of gulo, si Kris hinatak si Hannah malapit sa tabing dagat dahil gagawa daw sila ng bonfire. Ayun, nagbabangayan pa rin sila habang siniset-up ang bonfire nila. Haiiisst! Kelan kaya magkakasundo ang dalawang to?

Si Cassey, Miss Suzane at Eun-bi inabutan ng gabi kaya bukas pa sila makakabalik.

Si Xiumin nga pala, napansin ko parang iniiwasan nya ko. Hindi ata sya masayang makita ako. :”(

~ ~ ~

Nagtipon kami sa bonfire. Magkatabi kami ni Suho. Kahit puro naman bangayan ang bff ko at si Mr. Galaxy , maayos nilang naset-up ang bonfire, may lutuan pa para sa barbeque. Ayos ah!

Nahuling dumating sina Luhan, Xiumin at Lay. Mukang may music jamming dahil may dalang dalawang gitara si Lay.

Nginitian ko si Xiumin pero di sya nagrespond. Ano bang problema ng baozi na to? Mas lalo tuloy lumalaki ang siopao nya sa pisngi dahil nakasimangot sya! :”(

Naggi-grill sina Kyungsoo, Yannie, Hannah at Kris. Sina Tao, Kai at Sehun naghahabulan. Nagpiplay ng gitara sina Chanyeol at Lay na sinasabayan naman ng kanta nina Chen, Luhan Suho at Baekhyun. Tahimik lang si Xiumin. Teka, wala pa pala sina Ashley at Agatha. Nagpaiwan sila sa rest house.

“Guys, puntahan ko muna sina Ashley at Agatha sa rest house. Sabi nila susunod sila pero wala pa rin hanggang ngayon.” Nagpaalam ako sa kanila.

Sa kusina ng rest house ko nahanap ang dalawa. Abalang-abala sa pagbi-bake! Nakita nila ko.

“Ui Kendra! Tapos na kami magbake. Susunod na kami. Anong ginagawa mo dito?” Si Agatha.

“Ang tagal nyo kase sumunod. Para kanino naman ang mga heart shape cakes na yan?” Tanong ko.

“Peace offering namin, alam mo na! Para makabawi man lang sana. Nakakahiya ang ginawa namin. Pero nakakatawa yung hitsura nila diba? Parang mga basang sisiw, lalo na si Chanyeol at Baekhyun! Hahaha!” Si Ashley. Sinumpong ng pagiging brats ang dalawa. Nagtawanan sila pero sinaway ko.

Lumabas na kami ng rest house. Nakasalubong namin si Xiumin!

“Pwede ba tayong mag-usap Ken?” ang seryoso naman ng muka ni Xiumin.

“Ehem! Paano, mauna na kami ahh. Usap muna kayo. Take your time hehe.” Iniwan na nga kami ng dalawa.

Two minutes later.

Akala ko ba mag-uusap kami? Ee nakatayo lang sya at nakatitig saken. Pakiramdam ko tuloy nag-iinit ang muka ko. Aiiissshh! Asar! Di na ko nakatiis.

“Ano ba? Magtitinginan na lang ba tayo? Bakit ba parang ang sungit mo saken? Di mo ko pinansin kanina.” Pagmamaktol ko.

Di pa rin sya nagsasalita. Unti-unti syang lumalapit. Palapit ng palapit. Wala pa rin syang sinasabi, nakatitig lang sya. Napaatras ako. Hanggang sa wala na ko maatrasan.

“Umasa ako Ken. Alam kong hindi pa malinaw ang sa atin pero sana man lang binigyan mo ko ng warning. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, alam mo ba yun?”  Ano bang pinagsasabi nya?? Nagagalit ba sya saken?

“Ano?!! Wala ka man lang bang sasabihin?” Medyo napalakas ang boses nya kaya nagulat ako!

Tinulak ko sya. At lumayo ako sa kanya.

YOU FOUND MEWhere stories live. Discover now