Pahina 9

181 28 12
                                    


Minsan kailangan nating magpanggap na masaya,
Para maitago ang tunay na nadarama,
Kahit alam mong masakit na,
Umaasa ka pa rin na mahalin ka n'ya.

Yung kahit nagmumukha ka ng tanga,
Umaasa ka na baka may pag-asa pa, pag-asang ikaw naman ang piliin nya.
Na ikaw talaga ang mahal nya at hindi ang iba,
Yung nakangiti ka kapag kaharap mo s'ya, pero nasasaktan ka pagtalikod mo sa kanya.

Yung akala nila buo ka pero yung totoo durog na durog ka na,
Yung magpapaka-martir ka para sa kaligayahan nilang dalawa,
Yung mas pipiliin mong mabulag ang iyong mga mata,
Kaysa makita ang kanyang kamay na hawak na ng iba.

Sa bawat gawa-gawang kwento na pumapasok sa aking isipan,
Bigla na lang akong dinadalaw ng kalungkutan,
Paulit-ulit na tanong, ni hindi ako pinapatulog nito sa hating gabi,
Paulit-ulit na bakit, "Bakit hindi ako ang 'yong pinili?"

Kailan nga ba kita makakalimutan, hazel?

Huling PagtinginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon