Unsaid Feelings

163 21 2
                                    

UNSAID FEELINGS

Sa dinami daming pwedeng magustuhan, bakit ikaw pa?
Maraming ibang babae d'yan pero kakaiba ka,
Di ko alam kung bakit kita nagustuhan,
Pero bigla ko na lang itong naramdaman.

Hindi ikaw yung tipo ng babae na ligawin,
Hindi lahat ng lalaki sayo'y napapatingin,
Siguro isa ako sa kagandahan mo'y nakapansin,
Yun nga lang, kahit anong gawin ko hindi ka magiging akin.

Bakit nga ba hindi pwedeng maging ikaw at ako?
Siguro dahil sa magkaibigan tayo?
O dahil may nagmamay-ari na sa'yo?
At s'ya rin ang tinitibok ng puso mo.

Nang malaman kong may manliligaw ka na,
Masaya ako para sa inyong dalawa.
Masaya akong nakikita kang masaya,
Pero ang makita kang kasama s'ya, masakit pala

Ano nga bang magagawa ko diba,
Ako'y isang hamak na kaibigan mo lamang,
Na dapat suportahan ka kung saan ka masaya,
At tanggapin sa sarili ko na wala na talagang pag-asa.

Nung una, ayokong tanggapin sa sarili kong gusto kita,
Kasi bawal, dahil magkaibigan tayong dalawa,
Tanging kaibigang lalaki lamang ako sayong mata,
At hanggang doon na lang yun dahil may gusto ka ng iba.

Mali bang ika'y aking magustuhan?
Bawal nga ba talaga dahil sa tayo ay magkaibigan?
Takot lang ba akong umamin tungkol sa aking nararamdaman?
O ayoko lang talagang masira ang ating pinagsamahan?

Para sa iyong manliligaw naman,
Alagaan mo s'ya at pahalagahan.
Dahil ayoko na muling makita s'yang nasasaktan.
Kaya pakiusap sya'y iyong paki-ingatan

At para sa aking mahal na kaibigan,
Ako ay may isang kahilingan
Kung hindi man magiging tayo,
Hayaan mo 'kong mahalin ka kahit sa malayo,

Nakakatawang isipin 'no?
Bakit sa'yo pa na kaibigan ko?
Bakit sa'yo pa ako nagkagusto?
Bakit nga ba sayo, hazel florentino?




....

Huling PagtinginHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin