Pahina 5

171 32 8
                                    



Ang hirap umamin ng nararamdaman ko para sa'yo kasi alam kong hindi ka maniniwala. Baka balewalain mo lang at hindi pansinin. Bakit ba kasi takot akong umamin sa'yo? Dahil ba sa takot akong masira ang pagkakaibigan natin o dahil may mahal ka nang iba?

Oo nga pala, mabuti naalala ko may lalaking naglakas loob na umamin sayo. Nilakasan nya yung loob nya para manligaw. Mabuti pa sya may lakas ng loob hindi katulad ko, duwag. Bakit kasi ngayon ko lang na-realize na gusto pala kita kung kailan may mahal ka ng iba? Ang tanga tanga ko talaga, um-absent lang ako ng ilang araw nabalitaan ko agad na may nanliligaw na sa'yo.

Actually kaya ko naman tanggapin sa sarili ko na hanggang kaibigan lang tayo at iba ang gusto mo. Kaya ko naman maging masaya para sa inyong dalawa. Alam mo kung ano yung masakit? Yung tuwing nagku-kwento ka sa'kin about sa kanya. Habang nagku-kwento ka kitang kita ko sa labi at mata mo kung gaano ka kasaya at kinikilig. Kung gaano n'ya napapasaya ang bawat araw mo. Sa kanya mo naramdaman yung totoong saya na ngayon ko lang nakita. Wala akong magawa kasi bilang kaibigan mo kailangan kong maging masaya sa desisyon mo. Makinig sa bawat kwento mo, bigyan ka ng advice kapag may doubt ka sa nararamdaman mo sa kanya at higit sa lahat palakasin ang loob mo at i-motivate ka na mahal ka talaga nya, na di ka iiwan. See? Ganyan ako kaselfless kahit masakit basta't alam kong masaya ka titiisin ko kasi mahal kita.

Ayokong maging kontrabida sa inyong dalawa. Ang gwapo ko namang kontrabida kung gano'n. Tsaka ngayon pa kung kailan nakikita na kitang masaya. Mas pipiliin kong ako na lang yung masaktan kesa makita kang umiiyak. Hindi ko alam pero sa totoo lang ngayon ko lang 'to naramdaman. Ganito pala pakiramdam ng nagmamahal ng palihim, yung kaya mong i-sakripisyo yung sarili mo para lang hindi masaktan yung taong gusto mo. Lahat magagawa mo para lang maging masaya sya. At bilang kaibigan mo, lahat gagawin ko para sa'yo. Kahit ako na lang yung makaramdam ng sakit, huwag lang ikaw.

Huling PagtinginHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin