Kabanata 1

706 44 51
                                    


Hazel's POV

"Hoy! Hazel, bilisan mo dyan magsulat hinihintay ka na ng manliligaw mo sa labas!" sigaw sa akin ng kaklase ko. Hindi na ako sumagot sa kanya, nagdere-deretso lang ako sa pagsusulat malapit na naman na ako matapos eh.

Pagkatapos kong magsulat tinago ko na agad yung notebook ko para makapag-ayos na ng sarili. Lunch na namin kaya nandito si France sa room. Simula no'ng manligaw s'ya sa akin lagi na kaming sabay. Oo sabay na kami sa lahat ng bagay, lagi nya akong hinihintay sa labas ng school namin kahit late ako lagi pumasok. Minsan nga naho-hold pa kami sa sobrang late namin eh, sinabihan ko s'ya na 'wag na nya akong hintayin kaso mapilit eh. Gusto daw n'yang kasabay pagpasok yung taong mahal nya. And that's makes me fluttered.

Tuwing break time lagi n'ya akong pinupuntuhan sa room namin para sabay din kami kumain. Kaso 'di naman kami kumakain, nagku-kwentuhan lang kami ng mga bagay na gusto at pagkakapareho namin. Madalas tahimik lang sya kasi ako lagi ang nagku-kwento. Sa sobrang daldal ko siguro wala pang isang araw nai-kwento ko na sa kanya ang talambuhay ko.

Hindi kami kumakain tuwing break time kasi sa lunch time kami kumakain lagi dito sa room namin. Mabuti na lang nagdadala kami ng pagkain para hindi na kami bababa. Ang dami kasing mga estudyante ang nagsisiksikan sa canteen eh kaya bago ka maka-order, ubos na ang oras mo. May maririnig ka ng malakas na bell na ang ibig sabihin ay tapos na ang kainan.

"Anong ginagawa mo kanina? Bakit ang tagal mo lumabas?" tanong nya habang nililigpit yung lunch box namin pareho.

"Nako si Ma'am Ibarra kasi ang haba ng pinasulat sa philosophy kaya ayan natagalan ako. Nagmadali pa naman ako kasi sabi nya tse-tsek-an daw nya yung notebook namin tapos hindi naman pala tsk." Naiinis kong paliwanag sa kanya.

Meron pa kaming 20 mins para magkwentuhan, mabilis lang kasi namin naubos yung pagkain. Kaya napagdesisyunan kong maglibot libot sa building. Lagi kasi namin 'yon ginagawa ng mga kaibigan ko, lagi kaming naggagala sa campus tuwing walang klase o 'di kaya kapag ganitong break time.

Ngayon kasi busy na kaming magkakaibigan. Oo busy kami, busy sa lovelife hahahaha. Si Elle kasi may boyfriend na kaya kahit magkatabi lang yung room namin, bihira pa rin kami magkasama. Pero kapag uwian naman nagsasabay kami kaso hindi rin kami nakakapagusap ng maayos dahil kasama ko ang manliligaw ko at kasama rin nya ang kanyang boyfriend. Si Miya naman isang himala kapag nakasama namin dahil lagi syang nakabuntot sa boyfriend nya. Lagi syang pinagbabawalan na gumala at sumama kung kani-kanina. Dinaig pa ang magulang sa sobrang higpit.

Si Jaye. Ang bukod tanging single sa aming apat. S'ya din yung pinakaclose ko at laging ka-kwentuhan sa lahat ng bagay. Mabuti nga hindi sya nagsasawa sa kakulitan ko eh. Kami din lagi yung partner kapag sa lakaran, maraming nagsasabi na bagay daw kami at para daw kaming mag-jowa pero syempre biro lang yon dahil magkaibigan lang kami.

Kamusta na kaya s'ya? Ang tagal na naming hindi nagkikita hindi ko na nga alam kung kailan nagsimula eh. Si Jaye ang nag-iisang lalaki sa aming magkakaibigan, mabuti na nga lang hindi sya nahahawa sa amin eh hahahaha. Sa totoo lang ang swerte namin sa kanya dahil kahit may nililigawan sya dati hindi pa rin nya kami nakakalimutan.

"Teka si Jaye 'yon diba?" turo ni France sa lalaking naglalakad mag-isa papalapit sa amin. As usual nasa bulsa na naman ang dalawa nyang kamay, seryoso ang mukha, hindi pa rin nagbabago ang complexion nya naiinggit pa rin ako sa kaputian nya, yung matangos nyang ilong at ang mapupungay nyang mga mata. Kapag magkakasama kami lagi namin syang pinagtitripan. Niloloko namin na nagiging bakla na sya at laging pinagpa-practic-an ng make up kit namin. Minsan nga pinagsusuot namin sya ng mga dress namin tapos ipapakita sa mga nililigawan nya. Hays I missed him. I missed him so much.

Huling PagtinginWhere stories live. Discover now