Isang hiwaga ng mundo, isang regalo ng Diyos,
Karamdamang 'di matanto, at gamot nga rin 'tong lubos,
Sa pusong naghihingalo, sa nakasangla tutubos,
At sa taong nalilito, magpapahilom ng galos.
Isang hiwaga ng mundo,
Karamdamang 'di matanto,
Sa pusong naghihingalo,
At sa taong nalilito,
Isang regalo ng Diyos,
At gamot nga rin 'tong lubos,
Sa nakasangla tutubos,
Magpapahilom ng galos.
YOU ARE READING
Love at Rhymes
PoetryAng sabi nila, isa ang tula sa mga tunay na kagandahan Paano pa kaya kung sa tula idinaan ang pagmamahalan? Tula at pag-ibig, ipinagsamanag dalawang makapangyarihan Tula sa pag-ibig, pag-ibig sa tula - ayy! Kalangitan!