LATE

13 0 0
                                    

Masangsang ang amoy ng laway ng bagong gising. Isa itong katotohanang napatunayan ni Ishaan. Hindi niya alam kung ano ang naisip, pero pinahid niya ang kaunting laway na tumulo sa bibig niya pagkagising, saka inamoy-amoy ito. "Si Jose Rizal kaya, nung umaga ng Disyembreng iyon, bago siya barilin, naisip niya kayang amuyin ang laway niya?" mahiwagang tanong niya sa sarili.

Medyo nahuli siya ng gising sa araw na iyon. Ilang beses niya kasing ini-snooze ang phone niya. Ilang beses din niyang sinabi ang '5 minutes pa.' Tapos naalala niya, wala pa siyang assignment sa Filipino! 'Yung lintik na SONA! Nag-enjoy naman siyang nanood ng SONA ni Duterte. Lalo na 'yung pagsigaw-sigaw ni GMA habang nakalagay ang mga palad sa bunganga niya, na animo'y nagtatawag lang ng katropang nakita sa gitna ng sabungan. 

Hindi na siya kumain ng almusal. Na araw-araw naman pala niyang ginagawa. Saka siya nagmamadaling nag-toothbrush. Hindi na niya sinunod ang ginintuang aral at gabay sa tamang pagtu-toothbrush - 'yung may paikot-ikot pa. 'Yes, 'di na masangsang,' naibulong niya sa sarili.

7:30 ang klase nila. Umalis siya ng bahay ng 7:43, umaasang makararating sa school bago mag-7:30. Magbibiyahe pa siya. At kapag inabutan ka ng malas, minsan, nagsusunod-sunod pa. Puno ang mga jeep. Morning rush hour kasi. Tapos traffic pa. Sa totoo lang, ayaw niyang sumasakay sa masisikip na jeep. Feeling niya may nalalabag sa mga karapatang pantao niya. Pero no choice, kailangan, late na kasi siya.

Gusto niya sana sa harapan siya sumasakay e. Feeling niya kasi nun pag-aari niya ang mundo. Hanggang sa may papatigil na sasakyan sa harap niya. "Ayos, walang tao sa harapan," nasabi niya, "ako na ang sasakay sa harap." Laking dismayado niya nang matapat sa kanya ang sasakyan at may nakitang batang nakahiga sa puwesto niya sana sa harap. 

"Sh*t," naibulong niya tuloy.

Sumakay siya sa loob at nalamang puno na ito ng pasahero. Bahala na. 

"O, isa pa sa kanan, sampuhan 'yan," panghihikayat ng driver.

"SINUNGALING! WALANG MODO! PALIBHASA 'DI KA MAHAL NG NANAY MO! WALOHAN LANG GINAGAWA NIYONG SAMPUHAN, HAYOP KA!" sigaw ni Ishaan sa driver.

Pero sa isip lang. 

"Anong oras ang pasok mo?" feeling close ang driver, tinanong siya nang bigla.

"7:30 Kuya," sabay abot ng bayad niya.

"Ah ganun, o teka, pa-gas muna tayo..."

"Anak ng Petron!" sa isip pa rin niya.

Nagmumura-mura siya sa isip niya. Nagkapatong-patong na kamalasan. Umagang-umaga dyoskolord. Hanggang sa hindi niya namalayang nasa tapat na siya ng school.

Hindi niya akalaing makakasabay niya ang babaeng pinapangarap niyang magtaktak ng ketchup sa hotdog niya.

"Kung ganitong oras ka pumapasok sa araw-araw

Payag na akong laging late at masabayan ng mga sigaw

O huwag na tayong pumasok, punta tayo sa paraisong ligaw

Pag-aralan natin ang tunay na buhay at pag-ibig, ako at ikaw."

Ewan. Kapag nakikita niya ang crush niya, bigla siyang nakabubuo ng mga tula sa kanyang isipan.

*ITUTULOY*

Love at RhymesWhere stories live. Discover now