1- Ano bang pangalan mo?

93 1 0
                                    

SELDA 16

Addle's POV


Wala sa sarili akong napangiti ng maramdaman ko ang pamilyar na malamig na hangin na 'yon.


Tumayo na agad ako sa marupok na upuan na ito at agad naglakad paalis. "Hoy bata at san ka naman pupunta?"


Papalabas na sana ako ng marinig ko ang boses ng boss ko, "Di paba kayo nasanay? Syempre magpapakamatay nanaman yan." Sabi ng isa naming kagrupo at nakarinig nako ng sunod-sunod na tawanan.


Pinaikot ko ang aking mata at tamad na tumingin sakanila.


"Sige pero bago 'yan ihithit mo muna ito." At binigay sakin ng kasamahan ko ang maliit na plastic bag na may lamang puting parang harina, isang droga.


"Pwede 'ring ito." Hinagis sakin ni Albert ang isang bote na may lamang rugby na agad kong nasalo dahil kung hindi ay mabubugbog ako.


Ngunit may lalaking kumuha ng mga ito sakin at pinalitan ng isang sigarilyong nakasindi na. "Tss. Eto nalang." At tinulak ako papaalis.


"Nako ang lovers ayan nanaman!" Asar ng boss ko habang may babaeng nakapulupot sa katawan nya at may tira pang mga butil ng droga sa ilong nito.


Hindi ko na lamang sila pinansin at umalis na na hawak ang sigarilyong binigay sakin ni Kenneth sabay higop dito.


Gabi na at kakaunti na lamang ang mga taong dumadaan, tumataas ang balahibo mo sa lamig ng hangin, at sobrang dilim na muntik ka nang walang makita at magpasalamat ka dahil sa mga sasakyan at posts lights na nagsisilbing ilaw mo.


Tuloy lang ang paggamit ko sa sigarilyo ko at bahagyang pumikit.


Salamat sa Diyo--, salamat at nakaalis nako sa lugar na iyon, o ang aking tahanan. Isang abandonadong closed basketball court na parang snow ang alikabok at may mga gamit na di mo inaakalang makakasama mo sa buong buhay mo.


Gulong ng truck bilang unan mo, upuang may mga nakausling pako, pinagtagpi-tagping kahoy may mahigaan kalang o kung kastado mo ang boss namin at mga babae n'ya ay may sofa at foam kang butas butas at nakalabas ang spring nito.


Maraming nakarita dito at kasama na ako doon, libre dito pero ikaw na bahalang bumuhay sa sarili mo.


Yun nga lang bago ka makapasok ay kailangang maging isa ka muna saamin..


Maging kasama sa buhay ang sigarilyo, droga, rugby, alak, kalaswaan, pagnanakaw, at kung ano pang isipin mong masamang gawain.


Wala sa sarili akong tumawid sa napakalaking highway na ito kahit wala ako sa pedestrian lane. Sanayan nalang 'yan.

"Oh ano magpapakamatay ka?! 'Wag kang mangdamay!"

"Hoy ano ba!"

"Wala kaba sa sarili mo?! 'Kung magpapakamatay ka saksakin mo sarili mo!"

"Tumabi ka sa daan!"

SELDA 16Where stories live. Discover now