2- Ang pangalan Niya

52 1 0
                                    

SELDA 16

Addle's POV

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

Addle's POV


Nabalik ang isip ko sa kasalukuyan nang maramdaman ko nanaman ang malamig na ihip ng hangin.


Nanlamig ang tuhod ko nang nakita ko ang sarili kong nakaupo na sa bagay na ito na tatawagin kong fence. Hindi ako makagalaw, gusto ko bumaba ditto pero hindi sa lupang inapakan ko kanina, dito sa baba.


Gano kaya kasakit pag nahulo—pag nagpahulog ako dito? Pag hinayaan ko ang sarili kong tangayin ako ng hangin at mahulog? Siguro di ko na 'yon mararamdaman?


Simula palang bata, kung pano ako gutom na gutom at uhaw na uhaw na malagyan ng kahit ano ang tyan ko. Isang araw sa isang lingo kakain, at wala pa sa kalahati, di rin ako sigurado kung malinis iyon. Tiniis ko ng sampung taon ang magpagala gala sa kalsada.


17 na edad nakita ako ni Kenneth. Pinapunta sa lugar nila na tahanan ko na ngayon, natutong gumamit ng pinagbabawal na gamot, natutong gumawa ng masasamang gawain.


At sa murang edad ay nabuntis. Nabuntis ako ni Kenneth, galit s'ya sakin 'non at ako na ang nagsabing ipalaglag dahil yari kami kay boss pero mukhang di na kailangan dahil matapos naming matulog noong ginawa ulit naming 'iyon' ay dumuwal ako ng dugo at may kung anong likido ang lumabas sa ano ko.


Inisip naming na dahilan iyon ng pagdrodroga ko.


Hindi ko mahal si Kenneth, siguro pwedeng nagwagwapuhan pero wala akong nararamdaman, kung ba't nagawa naming iyon ay dahilan ng kalibugan, at nakagawa kami ng k-kasalanan.


Walang kwentang babae? Alam ko na 'yan. Ilang beses konang narinig 'yan. Tinaggap ko narin sa sarili ko na isa 'yan sa mga deskripsyon pag narinig mo ang pangalang Addle. Walang kwenta.


Tungkol sa mga kasama ko sa tinitirhan ko, halos kapantay ang bilang ng mga babae sa lalake, halos magkakaedaran lang kami pero si boss ay trenta na.


Minsan lang rin s'yang pumunta don dahil sa isa pa nyang organisasyon s'ya mas nagstastay, ang illegal na paggawa ng mga armas.


Dun sila magaling, pero sa pisikalan walang wala sila. Kaya kung totoo na may mga assassins, gangs, mafias ang gumagala dito? Patay na kami ngayon.


"Kailangan 'kong aliwin sarili ko." Sabi ko sa hangin ng makaramdam ng matinding gutom. Isang linggo at tatlong araw nakong walang kain. Pinarusahan nila ako dahil nung hinipuan ako ng kaibigan ni Albert ay natulak ko ito.

SELDA 16Место, где живут истории. Откройте их для себя