3- Ang sakit--salamat.

79 1 0
                                    

SELDA 16


Addle's POV


"Ano ba tama na! Sinunod naman n'ya gusto 'yung gusto n'yong may nakaw s'ya paguwi ah!" sigaw ni Kenneth sa mga nakapaligid sakin habang pilit s'yang nagpupumiglas dahil hawak s'ya ng mga kaibigan ni Albert.


Oo, malakas si Kenneth, hindi lang s'ya kundi ang mga kaibigan nito dahil may gang sila, 'di nga lang msyadong kilala tulad ng iba. Pero kung isa lang s'ya laban sa mga armadong adik na kasama ni Albert ay wala talaga s'yang laban, lalo na't wala pa ang mga kaibigan nito upang tulungan s'ya.


"Manahimik ka ah, kanina kapa. Utos 'to ni Boss kaya wala 'kang pakialam." at sinuntok ni Albert sa sikmura si Kenneth. Bwisit.


'Di lang s'ya pinansin nito at sinamaan sya ng tingin, "Bakit kaba pakialemero?! Ba't ikaw ang gumagawa nito?! Kanang kamay kaba ni Bo--"


"Oo bakit may angal?" tatawa-tawang sagot ni Albert kay Kenneth.


Siguro't nang blackmail nanaman ito sa mga kanang kamay ni Boss, dahil gusto n'yang s'ya rin mataas ang stado, gagawin ang lahat para sa kaligayahan n'yang gustong manakit ng tao.


Sinamaan ko naman sya ng tingin ng nakangiti itong lumapit sakin at hinawakan ako sa baba, "Huwag mo s'yang hahawakan--Ackk!" sigaw ni Kenneth pero agad itong sinikmurahan.


Kung titingnan ang itsura nito, nakakaawa ito, pero kung tumingin ka naman sakin, mukhang ipagdadasal mo na 'ko sa tindi ng natamo 'ko.


Putok na labi, pasa sa mukha, daplis ng bala ng baril sa braso, mga hiwa, at matitinding pasa sa katawan na nangingitim na. Umuubo na ako ng dugo at nakaluhod dahil halos 'di ko na mabuhat ang sarili ko sa bigat ng pakaramdam 'ko. Pero ano 'bang iniisip ko, da't masanay na ako.


"Huwag kang magalala Addle maganda ka parin naman kahit may mga galos, gusto mong dagdagan natin?" ngiting tanong sakin ni Albert at hinalikan ako sa labi.


"Put-Ackkkk!" isa pang reklamo ni Kenneth kaya't hinampas s'ya ng makapal na kahoy sa braso, napaluhod naman ito at napayuko.


Ba't ka pa kasi gumagawa ng eksena? Kaya ko na 'to! 'Di ka pa ba sanay na laging ginagawa ito sakin?!


Akmang hahalikan ulit ako ni Albert nang hawakan ko ito sa balikat at di sinadyang umubo ng dugo--- shhit! "Bwisit kang babae ka ah!" at buong lakas akong sinampal.


"Mga walang kwenta! Iwanan na 'yang mga 'yan, matulog na tayo." huling bigkas ni Albert at sabay na nila kaming iniwan ng mga tauhan nya at pumunta sa pwesto nila dito sa court. Umalis narin ang mga nanonood na parusahan ako na nakatira dito sa court.


Hinang hina akong umayos ng upo at sinubukang tumayo pero di ko ito magawa dahil wala talaga akong lakas, dagdag pang gutom ako ngayon dahil sa ilang araw na walang kinain, mamamatay na siguro ako ngayon?


"Bakit kasi nagpakita ka pa sa mga lokong 'yon, tingnan mo 'tong nangyari sa'yo." mahinang sermon sakin ni Kenneth at maingat akong binuhat palabas sa impyernong abandonadong court na ito.

SELDA 16Where stories live. Discover now