4- Ang pananatili ko sa court

42 1 0
                                    

SELDA 16


ADDLE'S POV:


"Sorry po Boss Kenneth! Napagutusan lang po!" pagmamakaawa ng mga ito ngunit nakatanggap lamang sila ng malakas na suntok sa panga na kinadahilan upang makatulog ang mga ito.


Kung papansinin ang dalawang mukhang nakatulog na ito ay parang binugbog sila ng isang malakas na gang sa itsura nila, pero si Kenneth lang ang may gawa nito.


"Putspa anong nangyari?!" sigaw ni Albert sa nadatnan n'ya ngunit napaatras lamang ito nang nalaman n'ya kung sino ang may kakayahang gumawa nito. Sino paba? Si Kenneth na ngayon ay nakatingin ng masama sakanya habang nakayukom ang mga palad.


"Pasalamat ka wala si Boss." huling salita nito at bumalik na sa loob ng court.


"Psh, mga duwag---Addle!!" at agad tumakbo sa harapan ko si Kenneth nang muli akong sumuka ng dugo. Ba't di pa kaya ako mamatay sa araw araw 'kong pagbawas sa dugong nasa katawan 'ko?


"Tss. Ok lang ako, tara na?" at akmang tatayo sa pagkakaluhod ko nang bumigay an tuhod ko pero laking pasasalamat 'ko na nasalo ako ni Kenneth.


Nanginginig ang mga kamay nito at napadiin nang hawakan ako pero nang tingnan ako ay lumambot at may awa sa mga mata ang sumilay sakin, "Pagbabayaran nila 'to, sumusubra na sila. Yung mga ginagawa nila sa---"


"Ano? 'Di kapa ba nasasanay?! Nakikita n'yo naman akong araw araw pinaparusahan ah?! Mas matindi pa nga ang ginagawa nila sakin dati--" pero natigil ako nang muli ay sumuka ako ng dugo.


Pero marahas ko lang pinahid ang labi ko at nagsalita muli, "Ba't kaba nangingialam? Lumayo kana sakin dahil kamalasan lang.. lagi ang..dala ko.."


At may pumatak na luha sa mata ko. Ba't ngayon nasasaktan ako? Nasasaktan ako na totoo ito? Totoo naman diba? Simula palang pabigat na ako.


"Shhh. Tahan na, nandito lang ako. At kahit ilang beses mo pang sabihing lumayo na ako, kahit kailan 'di ko magagawa iyon." at niyakap ako nito.


Ano bang nangyari kanina? May kasalanan nanaman ba akong nagawa na hindi ko alam? Lagi nalang ganoon ang nangyayari saakin. Mamaya maya ay bigla na lamang akong sasaktan.


Hindi ko alam.. habang mahimbing kaming natutulog ni Kenneth sa labas ng court ay may bumuhos saking nagyeyelong tubig kaya't napatayo ako pero bugbog agad sumalubong sakin kahit 'di pako nakakadilat. Nung napadaing lang ako dun naalimpungatan si Kenneth kaya nagkaroon ng payback. Ayan mga tulog.


Nung tumahan na ako ay hinalikan ako ni Kenneth sa noo, doon.. nalaman 'kong ligtas ako, sa yakap, halik, titig n'ya. "Tara na? Kumain na tayo." ngiti nitong sabi sakin.


Totoo 'ba? Makakakain na ako?


"Addle paabot nga ng tuyo dito! Pati suka isama mona!" utos sakin ng kamyembro dito sa court. Di ko alam mga pangalan nila at wala akong balak alamin.


Tumango lang ako at kahit hirap na hirap gumalaw o miski huminga ay pilit kong dinala sa mahabang lamesa ang tuyo at suka. Malalalim ang paghinga 'ko at takam na takam nako sa mga nakikita ko. Sa wakas makakakain na ako.


"Ay sorry, wag masyadong lampa ha?" paumanhin ng bumangga sakin at muntikan nang matapon 'tong dala ko, mabuti nalang at matalas ang mga reflexes ko kaya nasalo ko agad. Bwisit, halata namang sinadya.


Malapit nang matapos ang pagaayos. Ito ang pinakagusto 'kong senaryo sa court, ang oras ng pagaayos at kainan. Tulong tulong, masayang nagkwekwentuhan, at may totoong ngiti. Mararamdaman mo ring pantay pantay kayo at walang kapahamakan na nakapaligid.


Ewan koba, parang nagtratransform kaming lahat pag ganto kaming nagsasama sama. Lahat ay nagiging mabait.. ay mali.. lahat naman ay mabait.


Mayroong isang mahabang lamesa sa court na punong puno ng pagkain, iba ibang putahe at inumin. Saan nanggaling ang pangbili? Pondo. Saan nanggaling ang pondo? Nakaw.


"Kainan na!" sigaw ng isang tao dito sa court kaya't lahat kami ay masayang kumain. Lalo na ako, ngayon nalang ako makakakain ulit kasama 'to. Di ko maitatanggi na medyo napamahal ako sakanila sa kabila ng parusa. Lahat naman kami nakaranas 'non, nasobrahan nga lang ata sakin pero sila, tinanggap nila 'ko.


Ngumiti kami ni Kenneth sa isa't isa at nagsimulang kumain, pero nagtaka ako kung bakit di ko magalaw ang kaliwang kamay ko, pero pagtingin ko sa ilalim ng mesa ay magkahawak ang kamay namin.


Binigyan ko lang ito ng nagtatakang tingin pero nagkibit balikat lang to. Bwisit, basta gutom ako.


Pero napatigil ako nang nakita ko ang babaeng katapat ko na nag-sign of the cross bago kumain.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SELDA 16Where stories live. Discover now