Prologue

80 10 7
                                    

Kaarawan ko na bukas and at the same time, magpapadespedida party si Papa bago ako ihatid sa Celeste Academy. Ang batas kasi namin dito sa aming daigdig ay dapat lahat ng batang mag lalabing-apat na taong gulang ay kailangan nang i-transfer sa Celeste Academy, ang nag iisang paaralan para sa aming uri. Ihahasa kasi kame kung paano magagamit ang aming kapangyarihan sa tamang paraan sa oras na ito'y magising.

Ano kaya ang magiging kapangyarihan ko? Sana maging katulad ako ni papa na may kapangyarihang magpagaling. O kaya naman kapareho ni mama na may kapangyarihang i-control ang lupa at halaman. Pero kung ano man ang magiging kapangyarihan ko, titiyakin kong mag -eenjoy akong gamitin ito. Ano kaya ang magiging buhay ko sa eskwelahang iyon?

Nasasabik na talaga ako sa mangyayari bukas. Kung pwede ko lang hilain ang oras, ginawa ko na dahil gustong gusto ko na talagang makatuntong sa eskwelahang iyon.

===========

9282017

Awakening | Descendants of The Gods Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon