Chapter2.1: AZURE

61 10 30
                                    

Sa taas nang lipad ng karwaheng sinasakyan ko ay natatanaw ko sa baba ang aming mundo na tinatawag naming Azure. Ang aming mundo ay nahahati sa apat na kontinente na kung saan, bawat kontinente ay may tig- iisang kaharian.

Sa bahagi ng northwest makikita ang kontinenteng Nuria

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa bahagi ng northwest makikita ang kontinenteng Nuria. Ang kontinenteng ito ay binansagang fire continent dahil napapalibutan ito ng mga aktibong bulkan. Nahahati sa dalawang bahagi ang kontinenteng Nuria. Ang Dragon Sanctuary na sakop ang bahagi ng timog ,at ang Mountains of Abbys na may malaking sakop at nasa hilagang bahagi ito.

Ang alam ko sa Dragon Sanctuary ay dito namamalagi ang mga mababangis na dragon, kaya't dito binase ang pangalan ng lugar

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang alam ko sa Dragon Sanctuary ay dito namamalagi ang mga mababangis na dragon, kaya't dito binase ang pangalan ng lugar. Hindi katulad ng ibang nilalang dito sa aming mundo, madalang lang magpapakita ang mga dragon lalo na sa aming lugar ngunit pangkaraniwan na lang ito sa mga mamamayan ng Nuria. At dahil sa pabor ang lugar ng sanctuary sa mga taga-Nuria, sila rin ang mga nangagalaga sa mga nilalang na ito.

Ang Mountains of Abbys naman ay ang bahagi na kung saan dito namumuhay ang mga mamamayan ng Nuria. Isa itong lugar na medyo madilim dahil natatakpan ito ng mga usok mula sa bulkan. Ang mountains of Abbys ay mga aktibong bulkan ngunit kahit aktibo ang mga ito ay natutunan ng mga mamamayan na mamuhay sa lugar na at nakasanayan. Kapansin-pansin rin na ni minsan ay hindi sumabog ang bulkan sapagka't ito'y pinangangalagaaan ng diyos na si Vulcan, ang ama ng kasalukuyang hari na si Hepahestus, ang hari ng mga Nuria. At nasa sentrong bahagi ng Mountain of Abbys, makikita ang sarili nitong kaharian. Hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat na sila rin ang pinakamalakas na kaharian at nangunguna sa larangan ng pakikidigma. Napakatanyag rin ang mga mamamayan ng Nuria sa larangan ng blacksmith at pag aangkat ng mga armory at matitibay na sandata.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Awakening | Descendants of The Gods Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon