Chapter 2.0: DEPARTURE

43 9 4
                                    

Hapon na nang matapos ang aming munting salo-salo at nagsiuwian na rin ang mga bisita. Pinagtulungan na namin ni Papa ang pagliligpit ng mga kalat at kinainan. Nakapili na rin ako ng mga dadalhing bagay na niregalo sa akin kanina at iniwan ang hindi ko madadala. Pinagkasya ko na lang ito sa aking maleta na may laman na ring ibang gamit na dadalhin ko.

"Nak, tatandaan mo ang mga bilin ko sa iyo. Magpakabait ka,huwag kang magpapaligaw sa mga kasama mo dun dahil baby ka pa. Kapag makulit, isumbong mo sa akin at babangasan ko ang mukha"

Lihim naman akong napangiti sa sinabi ni Papa na kahapon pang paulit- ulit ang mga bilin nito."Opo. Hindi ko po kakalimutan ang bilin niyo sa akin." Bagot kong pagkasabi habang nilalabas ko at binababa ang aking mga maleta sa kwarto.

"Ang baby ko mag-aaral na talaga." malambing na sabi ni Papa habang tumutulong sa mga dalahin na agad ko namang ikinanguso.

"PA, HINDI NA AKO BABY NOH!" Tugon ko kay Papa na bahagyang natawa

Nang maibaba ko na ang mga maleta ay patuloy pa rin kaming nag- uusap at nagbibiruan ni Papa habang hinihintay ang susundo sa amin . Hindi nagtagal ay narinig namin ang isang huni ng kabayo sa tapat ng aming gate kaya't agad namin itong nilapitan. Binuksan naman ni Papa ang gate upang salubungin ang kung sino man ang naroon. At pagbukas ng gate ay isang hindi gaanong katandang lalake ang nakasuot ng puting pepelos ang nakatayo sa harap ng aming gate. At dahil sa suot at tindig nito, alam na kaagad namin ni Papa na isa itong guro.

(A/N: Pepelos ay isang uri ng damit na binabalot sa paligid ng katawan at pinag- uugnay ng isang pin sa balikat ng taong nagsusuot

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(A/N: Pepelos ay isang uri ng damit na binabalot sa paligid ng katawan at pinag- uugnay ng isang pin sa balikat ng taong nagsusuot.Sorry at nahihirapan akong mag-describe ng damit kaya pinakita ko ang sample picture sa taas. Credit to the owner kung sino ka man.)

Sa likod naman ng lalake ay isang napakagandang karwahe ang makikita mong nakapuwesto. Hindi ito isang pangkaraniwang karwahe na madalas na ginagamit ng nga mangangalakal o ng mga taong nag-aangkat ng mga pagkain o kahit na sa pangkaraniwang trasportasyon. Ang karwaheng ito ay yari sa isang mamahaling gamit at napapalamutian ng gintong disenyo kasama na ang apat nitong gulong.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Awakening | Descendants of The Gods Book 1Where stories live. Discover now