Ika-16 Kabanata

7K 358 45
                                    

" Bakit ayaw mong ipaalam sa kanila na may relasyon tayo? Nahihiya ka ba? " tanong ni Xeriol.

Narito sya ngayon sa loob ng aking silid dahil napakaaga nyang kumakatok sa aking pintuan kaya pinapasok ko na sya. Mabuti na lamang ay malinis ang aking silid dahil kung nagkataon ay nakakahiyang makita nya akong makalat.

" Dahil ano na lamang ang iisipin ng iba kung nalaman nilang may relasyon tayo ngunit si Miyuki ang nilaan ng cryptus para sa'yo. Ayaw ko lamang na magkaroon tayo ng problema " sagot ko sa kanya at inilapag sa harap nya ang niluto ko na almusal.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nya. Kahit ako naman ay walang magagawa dahil iyon ang itinadhana ngunit ang pinagtataka ko lang ay paanong nangyaring dalawa ang nakatadhana kay Xeriol? Sino sa amin ni Miyuki ang totoong nakalagay sa cryptus nya? Hindi kaya dalawa ang nakatadhana sa kanya. May posibilidad kaya iyon?

" Naiintindihan ko ang nais mong iparating ngunit ito ang tatandaan mo Alloade, darating ang araw na makikilala ka nila bilang taong pinakamamahal ko " saad nya habang nakangiti.

Pinigil ko ang aking sarili upang hindi ipahalata ang nararamdaman kong kakaiba dahil sa mga salitang binitawan nya. Walang preno ang bibig sa anumang gusto nyang sabihin.

" Bakit ka namumula? Ayos ka lang ba? " pansin nya sa akin.

Dapat pa bang itanong ang bagay na iyan matapos nyang magbitaw ng mga salitang tulad ng sinabi nya? Baka nananadya lang sya o kaya nang-aasar.

" Katatapos ko lang diba magluto kaya mainit sa mukha. Kumain ka na nga lang dyan. Aga-aga nambubulabog ka " sagot ko sa kanya na hindi tumitingin sa kanya.

" Gusto ko lamang makita ka kaagad matapos mong umamin na mahal mo rin ako "

" Xeriol! " pagpigil ko sa kanya.

Hindi pa kasi ako sanay. Ito ang unang pagkakataon na umamin akong may mahal kaya ang nararamdaman ko ay ang mahiya pa sa ngayon.

" Bakit? May nasabi ba akong hindi maganda? " takhang tanong pa nito.

" Huwag ka ng magsalita. Kumain ka na lang " sabi ko.

" Oo na. Tatahimik na mahal ko " sagot nya dahilan para mabilaukan ako sa huling nyang sinabi.

-

Sabay na kaming pumasok ni Xeriol sa aming silid. Hindi na ako nagtataka kung bakit hindi na kami pinagtitinginan na dalawa dahil siguro'y nasanay na sila na lagi kaming magkasama.

Naglakad na ako patungo sa kinauupuan ko ng madaanan ko si Miyuki na nakikipag-usap kay Styll. Napansin ko rin na dala nya ang kanyang mga gamit.

" Bakit nandyan ka? " tanong ko sa kanya. Dapat kasi ay katabi ko sya.

" 'diba nagpalit na kami ng upuan ni Xeriol " sagot nya.

" Salamat Miyuki " sagot naman ng lalaking kasunod ko. Nag-apir pa sila sa aking harapan.

Hindi na ako nagtanong pa kaya umupo na ako sa aking upuan. Inilabas ko kaagad ang librong gagamitin namin sa araw na ito ng makita ko sa loob ng bag ko ang panulat ni Sage na nahiram ko.

Naalala kong muli ang huling araw nya na ako pa ang nakasaksi. Pati rin ang pagpayag ko sa pagsasanay upang maging pinuno ng dalawang lahi. Wala na akong karapatan na baguhin ang desisyon ko dahil lahat sila ay umaasa na sa akin. Higit sa lahat ay buo na ang desisyon ko.

" Malalim ang iyong iniisip " napalingon ako kay Xeriol na hindi ko napansin na nakatingin pala sa akin.

Nginitian ko sya. " May iilang bagay lang akong hindi maintindihan kung bakit nangyayari ang mga bagay na iyon " saad ko.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Where stories live. Discover now