Ika-20 Kabanata

6.9K 350 44
                                    




" Inaantok ka na naman? " mahinang kausap sa akin ni Xeriol nang mapahikab ako habang nagtuturo si Mr. Bertoldo.


Magkasalubong kilay akong tumingin sa kanya. Hindi naman sya ang katabi ko kanina at sa kabilang dulo pa sya nakaupo.

" Bumalik ka na sa upuan mo. Baka mapansin pa tayo ni Mr. Bertoldo at mapagalitan pa tayo " saad ko sa kanya.

Hindi nya pinakinggan ang sinabi ko bagkus inakbayan pa nya ako. Tinaas-taas pa nya ang kilay nya habang nakatingin sa akin na para bang nay gustong gawin. Ano ba balak nya?

" Mamaya dahil wala namang klase, gusto mo bang mamasyal? Tumungo tayo sa merkat " aya nya sa akin.

" Pag-iisipan ko " sagot ko at tumingin sa harap.

" Huwag mo ng pag-isipan " pangungulit nya.

" Oo na. Oo na. Basta bumalik ka na sa upuan mo " pumayag na ako kaysa hindi nya ako lubayan.

" Wala ng bawian. Sige babalik na ako, mahal ko " sabi pa nya at palihim na gumapang sa pwesto nya.

Nagising naman ang diwa ko sa huli nyang sinabi. Saan ba nya napulot ang salitang mahal ko para itawag nya sa akin? At ang lakas ng loob nya at hindi nahihiyang magbanggit ng tulad ng salitang iyon. May natawag na kaya syang iba tulad non.

Nagkaroon na kaya sya ng ibang kasintahan? Hindi maipagkakaila na makisig syang lalaki. Kapansin-pansin nga na kumikinang ang mga mata ng babae kapag sya ang nakikita kaya hindi sya mahihirapang maghanap ng iba. Wala naman syang nababanggit tungkol sa ibang taong minahal nya bukod sa akin. Ayaw ko naman paniwalain ang sarili ko na ako ang una nyang kasintahan.

" Allaode, kanina ka pa tinatawag ni Mr. Bertoldo " kausap sa akin ng nasa harap ko.

Tumingin naman ako sa harapan kaya nakita ko ang naniningkit na mata ni Mr. Bertoldo sa akin. Hindi nga ako nakatulog sa klase nya,  lutang naman ang utak ko. Kung ano-ano kasi ang nasa isip ko. Anong pake ko ba sa nakaraan ni Xeriol? Ako naman ang mahal nya ngayon.

-



Matapos ang klase namin kay Mr. Bertoldo, hindi na kami nagkaroon ng klase sa hapon dahil may gagawin pa sya. Nauna na akong naglakad palabas ng sabayan ako nila Miyuki, Styll at Xeriol sa paglalakad.

" Kamusta ang Kuya Easton mo? Ikinamusta mo ba ako sa kanya? Sinabi mo ba ang pangalan ko? Anong sagot nya? " maraming tanong ni Miyuki sa akin.

" Hindi namang halatang kinikilig ka " sabat ni Styll.

" Ano bang meron kay Easton kung bakit mo sya nagustuhan Miyuki? Mas hamak naman na gwapo ako sa kanya " singit naman ni Xeriol.

Bakit nya sinasabi ang bagay na iyon kay Miyuki? Gusto ba nyang magkagusto sa kanya si Miyuki?

Sarkastikong tumawa si Miyuki. " Gwapo si Easton. Matalino at mahusay pa syang mag-aaral noon. Sa tingin ko mabait at mabuti rin syang anak at kapatid. 'di ba tama ako Allaode? " sagot at tanong sa akin si Miyuki.

Tumango ako sa sinabi nya. " Totoo ang sinabi mo. Maalaga pa sya at masarap kasama. Lagi nya rin akong ipinapasyal noon sa mga lugar na hindi ko napupuntahan. Ibinibili nya rin ako ng mga bagay na gusto at kahit hindi ko kailangan kaya maswerte ang babaeng makakasama nya habangbuhay " pagmamalaki ko sa Kuya Easton ko.

Tumili naman si Miyuki sa kilig. " Ako na ang tinutukoy mo. Ako na 'yon! "

" Talaga lang ha? Eh kaya ko rin naman gawin yung mga ginagawa ni Easton. Mas mahusay pa ako sa kanya " saad ni Xeriol.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Where stories live. Discover now