II- Ikawalo

3.9K 168 45
                                    

Xeriol's

Tulog na si Salvare. Naglalakad kami ngayon ni Allaode patungo sa silid-aklatan kung saan ko sya nakikitang pumapasok kapag inaakalang tulog na ako. Hindi ko sa kanya sinabi kaagad dahil gusto kong sa bibig nya mismo manggaling ang inililihim nya.

S'ya na ang nagbukas ng pintuan kaya pumasok na kami. Ngunit bago muli syang maglakad ay humarap ito sa akin. Hinawakan nya ang kamay ko at direktang tumingin sa akin. Kita ko sa mata nya ang paghingi ng tawad.

" Xeriol, patawarin mo ako kung nagawa kong maglihim sa'yo. Wala naman talaga akong balak na gawin ito ngunit natatakot lamang ako na pagbawalan mo ako sa ginagawa ko dahil labag ito sa batas ng lahat ng lahi " paninimula nya.

Ramdam ko ang kaba ko sa huli nyang sinabi. Ano ang mabigat na dahilan nya para lumabag sa isang batas?

Hindi naman ako nagagalit sa kanya kung hindi nagtatampo dahil sa paglilihim nya. Mag-asawa na kami kaya dapat ay mas magtiwala kami sa isa't-isa para matulungan namin ang bawat isa.

Hawak nya ang aking kamay patungo sa dulo ng silid at doon nakita ko ang isang malaking salamin.

" Patungo iyan sa bahay ng isang kilalang magaling na Rim. Sa kanya ako humihingi ng tulong " panimula nya.

" Tulong para saan? " tanong ko.

" Bago ko pa isilang si Salvare ay alam ko na may naghahangad na makuha sya sa atin. Humingi ako ng tulong kay Evelina, isang Rim, upang proteksyonan ang ating anak. S'ya ang nagbigay kay Ward at sya rin ang nagbigay ng mahiwagang porselas na nagpoprotekta na mahawakan si Salvare ng mga tinutukoy nyang mga nakaitim " pagpapaliwanag nya.

" Hindi ko naman gagawin ito kung hanggang ngayon ay may kapangyarihan pa ako " biglang tumulo ang luha nya. " Wala na akong kapangyarihan tulad ng dati kaya hindi ko na mapoprotektahan ang anak natin "

" Pati ba ang bagay na ito inilihim mo sa akin? " nadidismaya ako sa aking naririnig.

" Hindi ko naman alam na wala kang alam sa pagkawala ng aking lakas. Akala ko nabanggit iyon sa'yo ni Mama Alisa kaya hindi ko na nababanggit kasi...mahirap rin naman sa akin. Ang raming gumugulo sa isip ko. Paano kung isang araw may mangyaring hindi maganda at ako ang kasama ni Salvare, hindi ko sya maipagtatanggol. Kapag kailangan mo ang tulong ko pero hindi na kita matutulungan. "

Niyakap ko ang asawa ko kasi ramdam ko na ang bigat ng dinadala nya. Lagi ko syang nakikitang nakangiti. Lagi nyang pinapalakas at pinapagaan ang loob ko ngunit ano na ba ang naibigay ko sa kanyang pagsuporta. Wala. Inaway ko pa sya ng inaakala kong mahina ang tingin nya sa akin na ang tanging iniisip lang nya ay ang kaligtasan namin ni Salvare.

" Naglihim ako kasi ayaw ko na dumagdag pa ako sa mga prinproblema mo. Ayaw kong maging pabigat sa'yo kaya gumawa ako ng sarili kong paraan para mailayo ang anak natin sa kanila. Kasi ayaw kong dumating ang araw na wala akong magagawa para iligtas kayo. " mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.

" Patawarin mo ako, mahal ko. Patawarin mo ako " paulit-ulit kong sabi.

Pakiramdam ko ay ako ang dahilan ng paghihirap nya ngayon. Nagmadali akong magkaanak dahil sa pansarili kong dahilan. Hindi ko naisip ang posibilidad na mangyayari sa kanya. Ang tanging inisip ko lang ay ang dahilan upang hindi nila ako mapababa bilang Primnus.

" Mahal ko, wala kang dapat ikahingi ng tawad sa akin " kumalas sya ng yakap sa akin. " Kagustuhan ko na magkaroon ng anak. Masaya ko ng isilang ko si Salvare at hindi ako nagsisisi sa nalaman kong iyon. Naging masaya ako dahil naging pamilya tayo. Kung may pagsisisihan man ako iyon ay ang dumating ang oras na isa sa inyo ang mawala sa akin kaya hindi ko hahayaan na mangyari ang bagay na 'yon " ngumiti ito sa akin kahit may bakas ng luha sa kanyang mata.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Where stories live. Discover now