Ika-23 Kabanata

6.5K 311 28
                                    

Dedicated to: ayaliciouszx_16 🤗

-------------------------------------------------------------

" Bakit hindi mo ginamit ang kapangyarihan mo? Hinihintay ko pa naman " kanina pa ako kinakausap ni Tetsuna tungkol sa kakayahan ko.

Sa naging laro kahapon, hindi ko nagamit ang kapangyarihang meron ako. Nalaman ko ring napanood pala ang laban namin ng mga nanonood kaya nalaman ng lahat ang mga nangyari sa grupo. Kaya nga naiinis rin ang grupong mona sa grupong putere na kauri pa naman din nila na nanguha ng mga bandera.

Ngayon ay patungo kami sa himnasyo kung saan gaganapin ang kompetisyon. Nakakakaba dahil may isang laro na naman kaming kakaharapin.

" Ano daw ba ang magiging kompetisyon ngayon? " tanong ni Vashit.

" Wala pang sinasabi pero nakita ko ang salamin ni Reyistus na inaayos sa may entablong pinagdadausan natin " sagot ni Herjin.

" Salamin ni Reyistus? " ulit ko sa salitang hindi ko alam sabay tingin kay Zilla.

" Nagpapakita ang salamin ni Reyistus ng mga bagay o taong kinakatakutan mo sa oras na humarap at pumasok ka sa salamin nya " sagot ni Zilla.

Magtatanong pa sana ako kung paanong nangyari iyon ng magsalita muli sya. " Noong bata daw kasi si Reyistus wala daw itong kinakatakutan kumpara sa mga batang kasabay niya at higit sa lahat ay hindi ito nakitang umiyak. Kaya nagkaroon ng mga usapan sa kanilang bayan na masamang nilalang si Reyistus hanggang sa magdalaga ito ay hindi nawala ang mga kwento sa kanya. Naging ilag sya sa mga tao at nananatili lamang sa loob ng kanilang tahanan na ang tanging kasama ay ang iniregalong salamin ng kanyang ama bago ito namayapa. "

Nakikinig lang kami kay Zilla. Ang rami nya talagang alam. Mas hamak naman na mas bata pa sya sa akin.

"Hanggang isang araw, may nagtangkang pumasok sa kanilang tahanan habang wala ang ina ni Reyistus. Ayon sa nabasa ko, ang nais lamang ng lumoob sa kanilang tahanan ay takutin lamang ito ngunit nagkaroon ng trahedya. Hindi nagawa ng nanloob ang layunin nya at nagalit ito dahilan para masaktan nya si Reyistus. Sa harap ng salamin na bigay sa kanya ng ama ay nakita nya ang sarili habang pinapatay ng lalaki. Sumumpa sya sa salamin ang sinumang tumingin dito ay makikita ang kinakatakutan nila " kwento nya.

" Totoo ba ang kwento na 'yon? Akala ko kwentong bayan lang ang tungkol kay Reyistus " komento ni Odette.

" Ang alam ko naman kay Reyistus ay isang mangkukulam. Ginawa nya ang salamin na ipinuwesto sa loob ng kanyang tahanan upang takutin ang mga gustong magnakaw sa mga kagamitan nya " saad ng isa sa miyembro ng mona.

Ako naman ang alam ko ay wala. Ngayon ko lang kasi narinig ang tungkol sa kanya lalo na sa salamin. Pero malaking tulong na rin ang narinig ko sa kanila na kahit papaano ay may alam ako sa bagay na kakaharapin namin.

" Kahit ano pang kwento ang tungkol sa kanya, ang importante ay manalo tayo " saad ni Tetsuna na sinang-ayunan ko.

Nakarating na kami sa himnasyo na nandoon na rin ang iba pang grupo. Kapansin-pansin ang bilog na malaking salamin na nakapwesto sa ibabaw ng entablado. Kulay ginto ang nakapaligid sa dito na may mabusising disenyo. Sa itaas ay may itim na maliit na bato. Hindi mo aakalain na may sumpa ang salaming ito kung titingnan.

" Ngayong araw gaganapin ang ikalawang parte ng paligsahan. Lahat naman siguro ay alam ang bagay na nasa aking harap, ang salamin ni Reyistus. Sa oras na matalo nyo ang anumang magpakita sa loob ay may makukuha kayong bagay. Kailangan lamang ng tatlong bagay na ibibigay sa inyo ni Reyistus upang masabing nanalo kayo at mapabilang sa grupong lalaban bukas. " saad ng taga-anunsyo.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Where stories live. Discover now