CHAP. 3

4.7K 361 19
                                    

Kinagabihan tinungo ni Heaven ang lugar kung saan sila magkikita ng kanyang kaibigan na si Tommy.

Sumakay si Heaven sa kanyang kotse. Bago paman lumabas ng kanyang bahay ay sinigurado ng mga security guards na walang katao tao sa paligid sa tapat ng bahay. Mabilis na umalis si Heaven. Kahit paman nagmamaneho ang dalaga nakatingin parin sya sa mga sasakyang kasabay na tumatakbo sa daan. At tuwing napapahinto ang kanyang sasakyan, agad nakahanda ang kanyang kamay sa tabi ng kanyang upuan, kung saan nakasiksik ang kanyang baril.

Hanggang narating ni Heaven ang Hotel kung saan sila magkikita ni Tommy. Diretsong naiparada ni Heaven ang kanyang kotse. Palinga-linga parin sya sa paligid. Pumasok sya sa loob ng Hotel at sinalubong ng isang lalaki.

"Good Evening Ms. Mondragon, kanina pa po kayo hinihintay ni Señorito."

Napangiti ng bahagya ang dalaga. Sumabay sya sa lalaki. Ginayak ang dalaga sa restaurant. Kahit paman din nasa loob si Heaven ng restaurant naging alerto parin si Heaven.

"Good Evening Heaven."

Napangiti hanggang tenga muli ang dalaga nang makita ang kanyang kaibigan na si Tommy. Talagang humanga si Heaven kay Tommy dahil napakakisig nito sa kanyang paningin magmula pa nang sila ay unang nagkakilala.

"Hello, Tom." Bati ni Heaven sabay halik sa pisngi ng binata. Isang mahigpit na yakap ang naramdaman ni Heaven galing kay Tommy tila sabik itong makita s'ya. Napaupo si Heaven sa upuan upang mapantayan ang binatang nakaupo sa wheelchair.

"I'm glad that you visit here. It's been a long time Tom." Sabi ni Heaven.

"Yeah. I'm sorry if I wasn't able to call you. I was so busy for the past several years. How are you? You're still beautiful. Are you still single?"

Biglang napangiti si Heaven sa tanong ni Tommy.

"Yeah."

"Really? That's amazing. After all these years I thought you are already married."

"Tommy, I'm not ready for a relationship yet. I'm happy with my life."

"Thank God. Mabuti nalang at walang susugod dito sa akin para sapakin ako dahil hiniram ko ang oras mo."

"Silly." Piningot ni Heaven ang tenga ni Tommy.Hinawakan naman ni Tommy ang kamay ng dalaga at hinalikan.

"Sayang at di ko mapapantayan ang lalaking magmamahal sa 'yo. We're living in different ways. I don't want to hurt your feelings. Kaya hanggang pagkakaibigan lang tayo Heaven. "

Biglang kumalabog ang dibdib ni Heaven sa binitawang salita ni Tommy.

"Well anyway, kumusta naman ang negosyo mo? Kumusta ang mga magulang mo't mga kapatid?"

Agad iniba ni Tommy ang pag-uusap nila ni Heaven.

"Ahmmm..okay lang sina Papa at Mamoo. Si Eagan ang humahawak ngayon mga Construction Department at si Cassini naman ang sa Mining Business namin. Halos lahat ng kalalakihan sa aming magpipinsan ay may kanya kanyang pinapatakbo sa negosyo ng pamilya. "

"Ikaw, bakit hindi mo subukang hawakan ang ibang sektor ng negosyo ninyo?"

"I don't want to get involve with it. Mas gusto ko pa ang negosyo na pinatakbo namin ni Mamoo."

"Kung sabagay, hindi ka mapipilit ng ama mo." Sagot ni Tommy.

"Ikaw Tom, bakit di ka pa mag-asawa? You are older than me. You have a stable life. Your disability is not a problem. It's not a genetic disease that you can pass to your children. You can have a beautiful family." Untag ni Heaven.

CHASING MY HEAVENWhere stories live. Discover now