Chap. 25

2K 326 24
                                    

Sumunod na araw, nakisabay sa pagkain si Heaven kina Hades at Kitty. Habang nasa hapag kainan ang dalawang babae, nagkakatitigan ang dalawa. Kulang nalang lumabas ang mga apoy kanilang mga mata. Mahigpit na hinahawakan ni Heaven ang tinidor. Inaabangan nya kung may gagawing masama sa kanya si Kitty.

"Did you sleep well last night?" Tanong ni Hades. Nahahalata ng binata na umiinit ang bawat isa kina Heaven at Kitty, kaya kinuha nya ang pansin ng dalagang Mondragon.

"Yes, of course." Sagot ni Heaven habang nakatitig kay Kitty.

"How about you Kitty?"

"Oo naman. Sino ba naman ang hindi makakatulog ng mahimbing kung pinagod mo ng husto ang katawan ko sa pagbayo." Nakangiti pa si Kitty na tila pinapaalam ng husto kay Heaven ang nangyari sa kanila ni Hades sa nakaraang gabi.

"Ehem, h'wag nating pag-usapan ang mga bagay na ganyan Katrina. Nasa harap tayo ng pagkain." Sabi ni Hades.

"Wala naman akong binanggit. O di ba magkayakap tayong natulog kagabi? Tsaka, we're in relationship. At naiintindihan'yon ni Heaven."Sagot ni Kitty.

"I really don't mind Hades. Kahit baliin mo o ibalibag mo ang katawan n'ya..WALA AKONG PAKIALAM KASI MAGKAPAREHO KAYO NG APOG..." Sabi ni Heaven kay Hades.

"Really?" Napataas ng kilay si Hades.

"Yup. HINDI IKAW SI TOMMY NA MAHAL KO. I'M CONVICING MYSELF THAT HE'S GONE..YOU KILLED HIM."

Napangiti lang si Hades.

May dumating na tawag kay Hades...

KRINGGG KRINGGG KRINGGG

Agad napatayo ang binata at pumunta sa labas. Iniwan sandali ang dalawang babae. Ngunit bago paman ito lumayo..

"Hoy, kayong dalawa dapat pagbalik ko maayos parin ang hapagkainan. H'wag n'yong sirain ang grasyang pumapasok sa akin ngayong araw." Binalaan agad ni Hades ang dalawang babae.

Sa labas ng pinto ng hapagkainan ay may veranda. Doon tumayo si Hades at tinanggap ang tawag. Habang nakikipag-usap si Hades nakatitig ang mga mata nito kay Heaven. Tuloy ang kain ng dalawang babae. Ngunit nakikinig si Heaven sa mga sinasabi ni Hades sa labas. Nag-aalala sya na baka buyer na naman ang tumawag kay Hades.

" What? Ang dami namang nawala.Okay, I'll be there. Ilang araw ba dapat akong magtiis? Aba dapat pala bilisan na natin. Pinagkatiwala ko'yan sa 'yo. Sige, dalhin mo dito. Dobleng pasahod ang ibibigay ko, dalawin n'ya bawat linggo."

Naririnig ni Heaven ang sinabi ni Hades.Di nagtagal bumalik ito sa silid at tila nawala ang saya sa mukha.

"Anong problema Hades?"

"Wala."

Tila hindi kumbinsido Kitty. Pero pinili na tumahimik dahil halatang uminit ang ulo ng binata. Hindi naman pinansin ni Heaven si Hades.

Nang matapos kumain ang tatlo, mag-isa lamang pumunta sa hardin si Heaven. Nalalanghap nya ang hangin mula sa dagat at may kalamigan pa ang paligid. Maya-maya narinig nya ang hagikhikan nina Hades at Kitty. Kapwa naglalambingan ang dalawa. Binaling ni Heaven ang tingin sa ibang direksyon; gayun paman naririnig nya ang ingay na nagagawa ng dalawa. Umalis si Heaven at naglakad lakad. Namitas sya ng mga bulaklak na nakikita sa paligid. Habang mag-isang inaaliw ng dalagang Mondragon ang sarili, nakasunod naman ang mga titig ni Hades.

"Ano Hades meron kana bang plano sa babaeng 'yan?"

"Bakit mo ba inaalam Katrina? Hindi ka kasali sa plano kong ito. H'wag mong ilagay ang sarili mo."

"Bakit hindi? May atraso rin sa akin si Heaven."

"No. Labas ka dito." Sabi ni Hades.

"Kumukulo ang dugo ko sa kanya Hades."

CHASING MY HEAVENWhere stories live. Discover now