Chap. 16 ATRASO

2K 318 20
                                    

Napaisip ng husto si Heaven. Halos hindi sya mapakali at inaalala ang pag-uusap nila ni Mr. Sparrow.

"Lintek! Alam kong gumagamit lang si Sparrow ng ibang numero. Kahit maireport ko ito sa pulis ang numerong ginamit nya, alam kong hindi na ito malo-locate kung sakali. Ang tindi naman ng taong ito. Ilang taon nang sinusundan nya ang kilos ko. Marahil malimit ko s'yang nakikita ngunit wala akong kaalam alam na s'ya na ang stalker ko. Wow, ang tibay naman n'ya at pinaabot pa nya ng ilang taon ang pagsunod sa akin. Pero iniisip ko ngayon, kung ano ang naging atraso ko sa kanya? Ang sabi nya may plano daw s'yang inihanda para sa akin. Ano naman kaya 'yon?"

Nag-iisip si Heaven sa mga posibleng gagawin ni Sparrow laban sa kanya.

"Kidnap." Agad n'yang naisip.

-------------------------------------------------------

Sumunod na araw, tinungo ni Heaven ang kanyang restaurant. Hindi nya na nagawang pumasok pa sa loob ng kanyang opisina. Nakapwesto na si Heaven sa tabing upuan ng cashier.

"Hindi ako aalis dito. Marahil pumupunta dito si Sparrow. Nagkukunwaring customer." Naging alerto si Heaven habang nakatingin sa mga taong labas-pasok sa kanyang restaurant.

"Ma'am, dumating po si Mr. Olimpia." Nagitla si Heaven nang lumapit ang waiter.

"Ha?" Agad napatingin si Heaven sa paligid at nakita n'yang nakaupo si Baldr sa isang mesa. Agad napatayo ang dalaga at lumapit sa kanyang manliligaw. Ngunit bigla s'yang kinabahan habang papalapit sya sa binata.

DUB DUB DUB

"No. Bakit ako nag-iisip ng iba kay Baldr? Tsk. Pati ba naman s'ya paghihinalaan kong s'ya si Sparrow? Bagong kakilala ko lang naman s'ya. At isa pa, tila maraming alam si Sparrow sa akin." Nasasabi ni Heaven sa sarili.

"Hello." Bati ng binata sa dalaga.

"Hi."

"Anong oras ka pupunta ng Euphoria mamayang gabi?"

Napakunot ang noo ni Heaven.

"Anong ibig sabihin ng mga titig mo na 'yan?" Napataas ang kilay ni Baldr.

"Ngayong araw na ba ang opening?" natanong ni Heaven sa binata.

"Yup. Akala ko ba may invitation ka?"

Nasapo ni Heaven ang kanyang noo.

"Oh God, I almost forgot."

"Stress ka ba? You need to relax."

Napanganga ng bahagya si Heaven, napapaisip sya kay Sparrow.

"I'm sorry. Talagang hindi ko naalala ang okasyon na 'yan." Pagdadahilan ni Heaven.

"Mukhang hindi yata. What's the reason Heaven? si Tommy ba?"

"No. Hindi si Tommy. Bakit mo naman nasabing s'ya ang dahilan? Nakalimutan ko nga lang." Pinaliwanag ni Heaven sa binata.

"Okay. I don't want to argue with you. Pwes, anong oras ka pupunta doon?"

"Syempre, nakasulat naman sa invitation na bubukas ng 6pm, eksakto sa mga oras na 'yan nandoon ako."

"Good. I'll see you tonight. Nakilala mo na ba ang may-ari?"- si Baldr.

"No."

"Ahhh, talagang inimbitahan ka. Siguro maraming nakakilala sa 'yo sa mga gimikan dito sa Assuncion. At kahit hindi mo na kailangang magpakilala, padadalhan ka nalang ng invitation para makadalo. Ayos ah."

"Ewan ko. Maybe they invited me because of my family's name. Hindi naman ako mahilig sa ganung okasyon. Di tulad nina Eagan at Cassini. Pag dadalo sila ay upang makipag sosyalan kasama na doon ang negosyo." Sabi ni Heaven.

CHASING MY HEAVENWhere stories live. Discover now