Chap. 10

2.2K 328 13
                                    

Nilusob  na ng mga pulis at mga tauhan ng Sebastian ang komunidad ng mga kidnapper. Nagsimulang pasukin ng sapilitan ang mga bahay upang hanapin si Heaven.

"Itaas ang mga kamay!" Sigaw ng mga pulis. Nagsimulang magsitakbuhan ang mga tao.

BANG BANG BANG

Nagsimula ang putukan.

"Ano 'yon?" Napalingon ang mga magulang ni Katrina.

Mula sa labas ng bahay ay narinig nila ang sigawan.

"Nilusob tayo ng mga parak!!!"

Dahil sa pagkabigla ng lahat, maging ang mga bata ay nagulat.

"Ang mga bata, itago ninyo. Tumakas kayo." Utos ng ama ni Katrina.

"Tatay.." Agad napasok sa isipan ni Hades.

"Mga bata hali kayo." Hinila agad ng ama ni Annie sina Hades.

Hindi na nila malaman kung saan dadaan dahil nakikita na nilang paparating na ang mga tauhan ng mga Sebastian, at ang mga kapitbahay ay nagsisitakbuhan para tumakas.

"Sa likod kayo dumaan!!" Sigaw ng ama ni Katrina na naglalagay naman ng mga bala sa shotgun nito.

Tumakbo agad ang mga bata kasama ang mga ama nina Annie at Totoy.

"Annie, ang tatay ko..." Napaisip agad si Hades.

"H'wag kang lumayo Hades, sumama ka sa amin." Utos ng ama ni Totoy. Umiling si Hades. May isang kasamahan nila ang napadaan sa likod ng bahay.

"Nasusunog ang bahay nina Trina...sumabog ang mga nakaimbak na gasolina."

"Ano?!" Lalong nangamba si Hades. Agad inisip ang ama' t ina. Bigla itong napatakbo ng mabilis pabalik ng bahay nila.

Samantala, may ilang metro ang layo ng isang dampa mula sa bahay nina Hades, narinig ito ng ama ni Hades ang mga putukan at pagsabog sa bahay. Kaya napatingin lahat sa isang direksyon. Nakita nilang may malaking liwanag.

"Sunog! Nasusunog ang bahay!!!" Sigaw ng isang kasamahan ng ama ni Hades.

"Ang batang Mondragon kunin ninyo!!" Napasigaw ang ama ni Hades. Ngunit..

"Mga parak! Lumusob dito kasama ang mga tauhan ng Sebastian. Papunta sila dito!!" Sigaw ng mga kasamahan. Maging ang mga dayuhan ay nabigla sa pangyayari. Hindi na malaman ng lahat kung anong gagawin.

Nang biglang napaisip ang ama ni Hades.

"Mga dekalibreng mga baril nasa likod ng bahay na ito, kunin ninyo upang magamit panlaban sa mga parak!" Agad naisip ng ama ni Hades.

"Trina.."
Napatakbo  ang ama ni Hades papunta ng bahay. Sumunod naman ang mga dayuhan at mga kasama nito. Malayo palang ang ama ni Hades laking pagkabigla nito nang makitang kinain na ng apoy ang kanilang bahay.

"Trina!!!"

Habang ang ina naman ni Hades..

"Dios ko ang bata.." Natataranta ang ina ni Hades kung paano sagipin si Heaven.

---------------------------------------------------------

Mabilis ang takbo ni Hades pabalik ng bahay nila, sumasagi din sa kanyang isipan si Heaven. Sinundan ng ama ni Annie si Hades. Hindi rin nagpapigil si Annie tumakbo rin at sinundan ang ama.

"Annie!! Bumalik ka dito!!" Sigaw ng sigaw si Totoy.

"Anak! Dali..tumakbo na tayo!!" Hinila ng kanyang ama ang bata kasama si Katrina.

Samantala si Heaven naman ay mangiyak ngiyak kung paano makakalabas ng bodega. Napatingin ang bata sa mga nakapatong na mga gamit. Nakita nya na nakabukas ang bintana sa mataas na bahagi ng pader. Sinikap ni Heaven na umakyat. Hawak hawak nya sa kanyang kamay ang kanyang slingshot at ilang patpat. Ngunit may humawak sa kanyang binti..ISANG DAYUHAN.

CHASING MY HEAVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon