Chapter 3

8.9K 207 1
                                    


"PASENSYA na kung hindi kita nasamahan sa meeting sa mga organizers," ani Matt sa kanyang fiancée. Nakatakda na siyang ikasal sa nobya ng limang taon na si Kierra. Kierra was his best friend. Kasama niya ito sa lahat ng laban niya sa buhay.

Mula noong siya ang mamahala sa Cheville Shopping Center na pag-aari ng pamilya nila hanggang ngayon na tinalikuran niya ang lahat ng iyon dahil gusto niyang tuparin ang kanyang pangarap, ang maging isang musikero.

May kaibigan siyang producer at inalok siya nitong magkaroon ng sariling album. Noong una ay nagdadalawang-isip pa siya dahil alam naman niyang hindi papayag ang kanyang ama. Ngunit sa huli ay pinili niya kung saan siya masaya.

His father was a good man. Maaaring masama ang loob nito sa kanya ngayon at hindi siya kinikibo ngunit alam niyang lilipas din iyon at hindi sila aabot sa puntong itatakwil siya nito. Nanghihinayang lang siya na wala na ang kanyang ina dahil alam niyang suportado siya nito kung saan siya masaya.

"Okay lang, babe. Alam ko namang busy ka sa pag-abot ng pangarap mo," anito saka ngumiti.

"Kumusta naman ang meeting?" tanong niya rito.

"Maayos naman. Sa susunod na pagkikita namin, ipe-present na nila ang plano ng kasal sa'tin."

"Okay, sige. Susubukan kong makasama sa susunod na meeting ninyo."

Ngumiti lang si Kierra. Nanatili pa siya roon para makapagkuwentuhan pa sila. Hangga't maaari ay sinusubukan niyang bigyan ito ng oras kahit na abala siya. Alam niya kasing importante ang oras sa isang relasyon.

He has always loved Kierra. Siguro nga bata pa siya ay mahal na niya ito. Hindi lang siya agad nagtapat dahil natatakot siya noon. Hindi kasi madaling magmahal ng matalik na kaibigan. Natatakot siya noon sa komplikasyon. Natatakot siyang ma-reject at natatakot siyang mawalan ng best friend.

Hanggang sa hindi na niya matiis na itago ang kanyang damdamin. Muntik siyang mapatalon sa tuwa nang sabihin nito sa kanyang pareho sila ng damdamin. Isa sila sa mga masuswerteng magkaibigan na naging magkasintahan at ngayon nga ay patungo na sila sa simbahan. Siya na yata ang pinakamaswerteng lalaki sa mundo.

"It's late. Uuwi na ako," paalam niya kay Kierra nang mapansin ang oras.

"Okay. Huwag nang dumaan kung saan-saan, ha?" paalala nito at saka siya hinatid sa garahe. Hinalikan niya ito sa noo bago tuluyang umalis.

Binabagtas na niya ang daan pauwi nang bigla siyang mapa-preno dahil may babaeng biglang tumawid sa kalsada nang hindi nag-iisip. Inis na itinabi niya ang sasakyan at saka nilapitan ang babaeng ngayon ay papunta na rin sa pinaradahan niya.

"Sorry," anang babae.

Nais niyang sapuin ang kanyang noo nang makilala ito. "Miss Suicidal, it's you again. Nagpapakamatay ka talaga, ano?"

"Nilipad kasi itong papel na pina-print ko."

"Dahil lang diyan ibubuwis mo ang buhay mo?" lalong nainis na tanong niya rito.

"Hindi ko napansin na may paparating na sasakyan, eh," anito na inirapan pa siya. Hindi ito ang tipo ng babaeng magpapatalo sa isang usapan. Hanggang makakalusot ay lulusot ito para hindi ito magmukhang talunan. Crazy lady!

"Saan ka nakatira?" imbes ay tanong niya rito.

"Diyan lang sa malapit," anito.

[COMPLETED] The Ladies' Man Meets Jacque Alonzo (Published under PHR)Where stories live. Discover now