Chapter 4

8.8K 196 17
                                    

"MAUNA ka na sa parking, Pat," sabi niya kay Pat bago hinarap si Matt. Imbes na sumagot ay inirapan lang siya ng kaibigan. Inggit na inggit ang loka-loka. Nang maglakad palayo si Pat ay saka pa lang siya pumihit paharap kay Matt. "Ilang beses kong sasabihin sa'yong "Jacque" ang pangalan ko," aniya na diniinan pa ang pagkakasabi ng pangalan.

"Ito naman, hindi na nasanay sa'kin," balewalang sabi nito.

"Ano'ng kailangan mo?" imbes ay tanong niya.

"Wala lang. Hindi ko alam na isa ka sa mga event organizers ng album launching ko. You and your friend did a great job."

"Salamat." Hindi niya madugtungan ang pangungusap na lumalabas sa bibig. Para siyang may gustong sabihin pero hindi niya matukoy iyon.

"Samahan mo akong mag-celebrate. Labas tayo," anyaya nito sa kanya.

"Bakit hindi ang fiancée mo ang yayain mo?" nagtatakang tanong niya rito. At bakit parang may isang parte niya ang nalulungkot sa katotohanang engaged na ito? Pilit niyang pinalis sa kanyang isipan iyon.

"She's in Singapore. Nakakalungkot nga na ngayon pa siya kinailangan doon," dismayado nitong wika.

"My friend is waiting for me," sabi na lang niya. Nakakaawa ito dahil hindi nito kasama ang fiancée sa importanteng event na iyon sa buhay nito ngunit ayaw niyang malaman nitong naaawa siya rito dahil kahit siya ay ayaw niyang kinaaawaan siya ng kahit na sino.

"Magpaalam ka muna sa kanya. Ako na ang maghahatid sa'yo sa bahay ninyo. Gusto ko lang i-celebrate ang gabing ito," pangungumbinsi nito sa kanya. His convincing power was strong. No, he was just irresistible, simply irresistible. Saan na naman nanggaling iyan, Jacque?

Huminga siya nang malalim. "Sige na, sasamahan na kita."

Ngumiti si Matt at saka siya hinila sa kung saan. "Sandali," pigil niya rito. "Tatawagan ko muna si Pat, iyong kaibigan ko, para sabihing mauna na siya."

"Sige, magpapaalam lang ako kay Lucas," sabi naman nito saka naglakad papasok sa function hall at siya naman ay tuluyan nang lumabas para tawagan si Patricia.

"Ano iyan? Date? Hoy, bruha! Umayos ka, ha? Tandaan mo, may fiancée iyan. Sa huli ay ikaw lang ang uuwing luhaan," sermon agad ni Patricia nang sabihin niya ritong lalabas sila ni Matt.

"Ang O.A naman," busangot ang mukhang sabi niya kahit na hindi naman siya nito nakikita. "Lalabas lang, magse-celebrate. Hindi kami magde-date. Saka alam kong may fiancée siya kaya hindi ako maglalakas-loob na magkagusto sa kanya, 'no?" defensive niya pang dugtong.

"Pinaaalalahan lang kita. O sya, mauuna na ako. Tawagan mo na lang ako kapag nakauwi ka na sa inyo," bilin pa nito.

"Okay."

Ilang minuto pa pagkatapos ng pag-uusap nila ni Patricia ay bumalik si Matt. "Let's go," anito sa kanya. Magkaagapay silang naglakad patungo sa elevator.

"Wala kang ibang kaibigan? Bakit ako ang napili mong kasama?" curious na tanong ni Jacque kay Matt nang lulan na sila ng elevator.

"I have a few. They are all busy but they called me to show some support," balewalang sagot nito.

"Pamilya? 'Diba dapat sila ang kasama mong mag-celebrate?" tanong niya ulit. At some point, she regretted that she asked. Bigla kasing nagkaroon ng lambong ang mga mata nito. May isyu yata ito sa pamilya.

[COMPLETED] The Ladies' Man Meets Jacque Alonzo (Published under PHR)Where stories live. Discover now