Chapter 5

7.5K 166 2
                                    

"BUTI naman at pinagbigyan mo na ako sa meeting na 'to, Jacque," ngiting-ngiting sabi ni Luis kay Jacque.

Hindi napigilan ni Jacque na itirik ang mga mata. "Honestly, nabigla lang din ako kagabi, nakainom kasi ako," panonopla niya sa lalaki.

"Okay ka rin naman palang mabigla, ano?" panunudyo pa ng buwisit.

"Hintayin natin si Patricia, ang partner ko, bago tayo magsimula," imbes ay sabi niya matapos irapan ang lalaki. Hindi naman din nagtagal ay dumating na si Patricia.

"Hi, Miss Beautiful," bati ni Luis kay Pat. Nais niyang matawa, hindi nakilala ni Luis ang bestfriend niyang si Patrick.

"Hi, Mr. Locsin," nakangiting bati rin dito ni Patricia.

Napapangiti siya sa tuwing binobola ni Luis si Patricia na feel na feel naman ng huli. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Luis kung malalaman nito ang totoo? Ngunit wala siyang planong ipaalam dito iyon.

Hindi nga halos siya nakapakinig sa meeting dahil kung saan-saan lumilipad ang isip niya. Nakarating na nga iyon kay Matt. Matapos ang tawag ni Luis ay nagpaalam na siya kay Matt kaya hindi na nila napag-usapan pa ang eksena bago nag-ring ang cellphone niya. Hindi na rin siya nagpahatid dahil sa pagkailang. Mabuti na rin sigurong huwag na nila iyong talakayin. Isang bagay lang iyon na nangyayari sa mga taong may impluwensya ng alak.

May fiancée na si Matt, hindi lang talaga nito alam ang ginagawa kagabi. At ganoon din naman siya. Pesteng beer kasi iyon! Kung sakali mang magkikita silang muli ay magkukunwari na lang siyang walang nangyari.

"Maganda ang offer mo, Mr. Locsin. Huwag kang mag-alala, pag-uusapan namin 'to ni Jacque," narinig niyang sabi ni Pat kay Luis.

"Thanks, Patricia."

"Tapos na?" tanong niya sa dalawa.

"Oo at mukhang wala naman dito ang isip mo," nakangising sabi ni Luis.

Inirapan niya ito bago bumaling kay Patricia. "Kung ganoon naman pala ay tara na," yaya niya sa kaibigan. "May trabaho pa tayo."

"Mauna na kami, Mr. Locsin," paalam ni Patricia kay Luis.

"Luis na lang, Patricia," ani Luis na kinindatan pa ang kaibigan niya. Pinigilan niya ang sarili na tumawa nang malakas.

"Sure, Luis," malanding sagot ni Pat. Hinila na niya ang kaibigan palabas mula sa opisina ni Luis bago pa siya masamid sa pagpipigil ng tawa.

"Hindi ka niya nakilala," tawang-tawa sabi ni Jacque kay Patricia nang lulan na sila ng kotse nito.

"You didn't tell me that he was that gorgeous now," paninisi ni Patricia sa kanya.

"Bakit parang nagkakagusto ka pa sa damuhong iyon?" tanong niya rito habang nakataas ang isang kilay.

"Why not?" kinikilig na sagot ng malandi niyang kaibigan.

"Hindi ba't ikaw ang may ayaw sa kanya para sa'kin dati?" pagpapaalala niya rito.

"Ayaw para sa'yo, oo naman! Pero para sa'kin, keri na rin," anito saka tumawa. "Isa pa, that was ten years ago, my friend. Dapat naka-move on na tayo r'on. And look at him now, he's changed. Responsible na siya, hindi tulad noon."

"Kahit na!" giit niya. "Feeling ko ay tinatraidor mo ako," kunwa'y pagtatampo niya rito.

"Huwag kang O.A, hindi bagay sa'yo," ani Patricia saka tumawa.

[COMPLETED] The Ladies' Man Meets Jacque Alonzo (Published under PHR)Where stories live. Discover now