Chapter One // Hidden Paradise

449 16 4
                                    

 

Chapter One

          ;; Hidden Paradise

 

“ayos na ba lahat ng gamit mo, anak?” tanong ni mommy. Tumango naman ako sinakbit yung bagpack ko at kinuha yung isa ko pang bag na Malaki.

 

“Opo. Excited na ako mommy!” sabi ko. Lumapit naman sakin si mommy. Kinuha nya yung dala kong bag at itinabi. Hinawi nya yung buhok ko at niyakap. “Mommy?”

 

“Ay nako, anak. Mami-miss kita.” Niyakap ko si mommy pabalik. “syempre mommy, ako din.”

 

“naiintindihan mo naman kung bakit dun ka muna sa province diba?” tumango naman ako.

 

“aayusin ko muna ang lahat dito. Ayoko na masali ka sa gulo namin ng daddy mo.”

 

 “opo, alam ko nama po ‘yun.” Sabi ko.

 

“Yung medicines mo?”

 

“Okay na po. kahapon pa po ready.”

 

“wag mong kakalimutan inumin ‘yun. Sasabihin ko din sa lola mo para hindi ka makalimot, kilala pa naman kita.”

 

“mommy naman eh.”

 

“mabuti ng sure. Tandaan mo kailangan mo ‘yan.” Tumango naman ako.

 

“tara na sa baba, hinihintay ka na ni manong.”

 

“susunod po ako.” Bumaba na si mommy dala yung Malaki kong bag. Tinignan ko ‘yung kwarto ko. We’ll see each other gain after summer.

 

Bumaba na ako at dumiretso sa labas.

 

“ingat anak.” Sabini mommy.

 

“babye mommy. Ingat lagi. Mami-miss kita, suuuuuper.” Sabi ko at niyakap ng mahigpit si mommy.

 

Sumakay na ako sa back seat and wave for the last time. Kinuha ko yung earphones ko at sinaksak sa cellphone ko, it will be a long ride.

 

 x x x

 

“Lolaaaaaaaaaa!” tumakbo ako papasok ng bahay at niyakap si lola.

 

“Ay jusko kang bata ka,” binitawan ko naman si lola.

 

“hihi, sorry po.” Sabi ko atsaka nag-mano.

 

“kamusta ang byahe, apo?”

 

“okay naman po, kaso gutom ako lola eh.”

 

“tamang-tama niluto ko ‘yung mga paborito mo.”

 

“talaga po?” tumango namn si lola. Pumunta kami sa dining at huwaa, ang daming pagkain.

 

“kamusta naman kayo sa maynila ng mama mo?”

 

Uminom ako ng tubig at lumunok, “okay naman po.” Sagot ko at sumubo ulit.

 

“anong balak mong gawin dito?” napahinto naman ako sa pagkain at napa-isip.

 

“hindi ko pa po alam eh. Mamaya po iikot na lang po ako.”

 

“Osige, maganda ‘yan para masanay ka dito. Pero wag kang lalayo masyado.” Pagtapos naming kumain ni lola eh nag-paalam na’ko at nag-umpisang mag-ikot dito sa place nina lola.

 

Madaming puno, ang sariwa ng hangin. Tapos ang ganda-ganda ng sikat ng araw. Bawat makaka-salubong mo ngingiti sa’yo, kaya ngumi-ngiti din ako pabalik.

 

Lakad lang ako ng lakad. Hanggan sa hindi ko alam, sinusndan ko yung mga bato sa kalsada na naka-ayos. Hanggang sa tumigil ako dahil halos parang gubat na ‘yung napasukan ko.

 

Natakot naman ako bigla at napa-nguso. Dapat pala nakinig ako kay lola, dapat hindi na ako lumayo eh. Hinawi ko yung malalaking halaman sa harap ko at napa-tanga ako ng Makita ko kung ano yung nasa likod nung damuhan.

 

It was a wide field. Kitang kita yung mga ulap at yung araw. May mga puno sa gilid. It was more likely a paradise. Lumakad ako papasok at inikot ang mata ko, Sobrang ganda.

 

Well, I think my summer will be so good and memorable.

 

 

Andie's Note: Dedicated to Unnie Ellah. emeged happy birthday kay gyu mag-ingat sa party sa kwarto. nakooo. hahaha. ilysm unnie.

A summer with you.Where stories live. Discover now