Chapter Three // Friends

212 12 2
                                    

Andie's Note: deciated to her! omg mahal na mahal ko po yung courting kai, ayun yung una kong kaistal na nabasa huhuhuh i kreyyy. sila na *victory daance* 

Chapter Three

          ;; friends

 

Nagising ako, umaga na. hindi ako nakakain ng hapunan, Nagugutom ako. Pagtapos kong magmumog at maghilamos, bumaba na ako at hinanap si lola. Dumiretso ako ng kusina at andun si lola nagluluto ng umagahan.

“Good morning lola!”

  

“magandang umaga din apo, umupo ka na dyan patapos na ito.” Tumango naman ako at umupo sa silya.

  

*riiiingg*

  

Kinuha ko yung phone ko at sinagot, “Mommy!”

  

“kamusta ka naman diyan?” 

“Okay naman mommy. Hahaha, may nalaman ako!”

  

“ano naman ‘yun? Kwentuhan mo nga ako.” 

“nakita ko ‘yung pictures mo nung bata ka tapos yung—“

  

“omygod, wag mong sabihin kinuwento rin sayo ni mama yung—“

  

“’yung natalo ka sa tula kasi nakalimutan ‘yung sasabihin mo sa sobrang kaba? Hahaha.”

  

“Phew, ay nako. Wag mo kong tawanan ganun ka din nung kinder ka noh.”

  

“sige mommy, kain ka na. tapos na mag-luto si lola. Bye!” 

“Bye, ingat dyan.” Sabi ni mommy atsaka in-end ‘yung call. 

“kumain ka na dyan, tatawagin ko muna sina sabel.” 

“sige po, lola.” Kumuha ako ng pandesal at nagpalaman. Ininom ko din ‘yung tinimpla ni lola na hot chocolate. Da best talaga si lola! 

Kumuha ako ng daing tapos sinangag. Huwaaa, ang sarap sarap magluto ni lola ng fried rice! Habang kumakain ako dumating sina lola.

  

“kain na po.” sabi ko, umupo sina si lola at manang sabel.

  

“asan po si mang berting?” sabi ko atsaka sumubo ng kanin. 

“tatapusin nya daw muna ‘yung ginagawa nya sa bakuran.” Tumango naman ako.

  

“lola, ang sarap mo mag-luto! Tataba ako dito!” sabi ko, ngumiti naman si lola.

“masarap talaga mag-luto si lola perla. Lalo na ‘yung adobo nya.” Sabi ni manang sabel. Ininom ko yung hot choco.

A summer with you.Where stories live. Discover now