Chapter Four // Sick

213 9 2
                                    

 

 

Andie's Note: alam kong sobrang iigsi ng update ko pero, ganyan talaga siya huhuhuhuh. thank you to all! aylabyu all!

 

 

Chapter Four

          ;; Sick

 

 

“Achoo!” 

 

“san ka ba galing bata ka ha?” tanong ni lola at pinatungan ako ng tuwalya sa balikat. 

 

“dyan lang— Achoo! Po.” Suminghot ako at pinunasan ‘yung ilong ko. 

 

“at bakit basang-basa ka.” Umupo ako sa silya sa may kitchen.

 

“sa may ilog po—Achoo!” napatigil naman si lola sa paglalagay ng mainit na tubig sa tinitimpla nya at tumingin sa’kin.

 

“sa ilog? Saan? Sinong kasama mo?”

 

“’yung duon po, malapit sa puno na pinaglalaruan ko dati—Achoo!” lumapit sa’kin si lola at inabot ‘yung hot choco na tinimpla nya.

 

“hay nako kang bata ka, inumin mo’to tapos umakyat ka na at maligo.”

 

“Lola! Babalik ako dun ah!”

 

“hindi. Magpahinga ka na.”

 

“lolaaa naman ihhhh.”

 

“Janine.” Tawag sa’kin ni lola. Napa-nguso lang ako at ininom ‘yung hot choco at umakyat.

 

“Hoy kaiden!” tawag ko sa lalaking nasa harap ko na ang bilis-bilis mag-lakad.

 

“Oh, anong problema mo dyan?”

 

“dahan dahan naman! Ang bilis-bilis mong maglakad!” tumingin sya sakin saglit at ngumisi.

 

“madami kasing hayop dito. Baka sunggaban tayo.” Nanlaki naman ang mata ko at tumakbo papalapit sakanya.

 

“w-weh? T-totoo?” tanong ko habang nakahawak sa laylayan ng damit nya. At nakatago sa likod nya.

 

Tumigil naman siya at binaba nya ‘yung mukha nya katapat ng mukha ko. “oo, may leon nga dito eh. Tapos minsan may anaconda din.” Sabi nya atsaka naglakad ulit.

 

“h-hindi ako n-naniniwala sa’yo noh!” sabi ko.

 

“totoo nga ‘yung sinasabi ko. Ayan oh may ahas  sa ulo mo.”

 

“waaaaaaaaah!” tumalon ako at pinagpagan ang ulo ko.

A summer with you.Where stories live. Discover now