Chapter Five // That Kind Side

174 8 0
                                    

Andie's Note: Finally i finished my update! enjoy xx

Chapter Five

;; That Kind Side

Nagising ako sa liwanag ng araw na tumama sa mukha ko at sa tilaok ng manok. Sa probinsya, automatik na alarm clock ang manok.

Kinusot ko ang mata ko at nag-inat. Nagugutom na ako, hindi ko nakakain kagabi, hay.

Nagmumog at naghilamos ako atsaka sinuot ang tsinelas ko at bumaba na. Naabutan kong sumisigaw si lola mula sa bakuran.

"Kiko, hijo. Ito pa oh."

"Opo," may pumasok na matangkad na lalaki, naningkit ang mata ko at saktong lumingon naman yung lalaki. Tss, si kaiden. Inirapan ko siya at dumiretsong bumaba para mag-agahan.

"Oh, apo. Gising ka na pala. Nag-luto ako diyan ng sopas, kumain ka na." tumango ako at umupo sa dining at nag-umpisang lumamon. Ahhh, ang sarap!

Tuloy-tuloy akong sumubo ng mabilaukan ako. Tubigㅡahck...tubig! Tatayo na sana ako ng mag may nagpatong ng baso ng tubig sa harap ko. Kinuha ko naman agad 'yon at ininom.

"Tss, mag-dahan dahan kasi sa pagkain para namang mauubusan." tumingala ako at nakita ko si kaiden na naka cross arms habang naka-sandal sa lababo.

"Bakit ka ba nandito?" irita kong tanong, ah basta naiinis ako sa ginawa nya kahapon, aish!

Ngumisi siya, "tinutulungan ko si lola."

"Tekaㅡ"

"Oh apo, ikaw na muna ang bahala dito at aalis na kami ni kiko."

"San kayo pupunta, lola?"

"Mamalengke, apo."

"Ahh," sabi ko at tumango, gusto ko sanang sumama kaso kasama si kaiden kaya wag na lang.

Naunang lumakad si lola, nagulat ako ng may bumulong sa gilid ko, "magdahan-dahan ka na sa pagkain. Wala na ako para mag-bigay ng tubig sa'yo kung mabilaukan ka." Sinamaan ko lang siya ng tingin at tsaka siya lumakad uli.

"Aray ko po! susmaryosep!" lumabas ako ng kusina ng marinig ko ang sigaw ni lola. Paglabas ko ay naabutan kong nakaupo sa lola sa sofa at hawak ang tuhod at si kaiden na nakaluhod.

"Anong nangyari?!"

"In-atake ako ng athritis apo."

"Nako lola, anong gagawin ko? nong kailangan mo lola?"

"Kailangan ko lang itong ipahinga." tumingin siya kay kaiden na sa harap nya, "kayo na muna ni janine ang mamili sa palengke. Naka lista naman kung ano ano ang bibilhin."

"Sige po, lola." sagot ni kaiden. Humarap sakin si lola, "okay lang ba sayo apo?"

Pano ba 'to? eh naiinis nga ako dyan kay kaiden dahil sa pagbuhat nya sakin na parang bigas kahapon. Pero gusto ko talaga sumama sa bayan para mamili! Atsaka si lola di talaga pwede eh so, "opo lola, sige po."

Ngumiti si lola, "aakyat na muna ako." inalalayan naman siya ni kaiden paitaas. At ako dumiretso sa kwarto para magbihis. Nagsimpleng tshirt at shorts lang ako atsaka nagsuot ng sapatos na kimportable ako. Pagtapos ko ay bumaba na ako at hinanap si kaiden.

Lumabas ako at nakita ko si kaiden sa may harap ng bahay naka-pamulsa at nakatalikod. Naglakad ko papalapit sakanya, naramdaman nya ata ako kaya humarap siya patalikod. Napahinto ako nang lumingon si kaiden, ang ganda ng mata nya. i think i have seen that pair of eyes before.

"Okay ka na? tara na?" nagising ang diwa ko ng magsalita si kaiden.

"O-oo okay na. Tara na." Nauna akong maglakad at nilagpasan si kaiden. Narinig ko namang ang pagtakbo ni kaiden and one thing i knew he was beside me already.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 17, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A summer with you.Where stories live. Discover now