Chapter 1

11 1 0
                                    

"Uy Ella gusto mo sumama sa amin?" Sabi ni Charles.

"Hindi. May pupuntahan pa ako eh." Sabi ko habang busy magligpit ng gamit ko. Katatapos lang ng last subject ko.

"Sige na bes, umuwi yung mammy ni Alejandro galing Japan eh may pakain daw." Sabi naman ni Jian na namimilit pa din.

"Ano bang pake alam ko?! Isa pa wala na kami noh, wala na akong pake kung ano pang nangyayari sa buhay niya." Tinalikuran ko na sila at palabas na ng classroom.

"Sige na saglit lang tayo! Makikikain lang hindi naman sasabihin na naging kayo!" Pagpupumilit ni Charles! Aish! Hindi ko na alam gagawin ko! Ang lalaking tao ng mga lalake na toh!

Bandang huli wala rin akong nagawa at napasama sa kanila. Alam ko naman balak nila eh, ang ipakilala ako sa Mammy ni Alej na naging kami. Well, kahit saglit lang naging kami minahal ko siya. Lahat ng oras ko binigay ko sa kanya, lahat ng akin eh kanya. Pinakilala ko pa siya sa parents ko pero wala, oo wala! Nakipaghiwalay siya kasi sa madaming walang kwentang dahilan niya!

2 months na kaming wala, pero mga tropa namin eh grabe pa rin mang-asar. Super bagay naman kasi talaga kami. Kaso, hindi kami tinadhana. Tinadhana talaga siya sa mga fuckgirl at mga seniorhigh na lagi niyang nilalandi.

"Oh andito na tayo Ella, umayos ka ah." Sabi ni Jian at inaayos uniform ko.

"Para kang tanga! Ano bang gagawin ko dito? Wala akong oras para dito!" Sabi ko pa at pilit na kinukuha bag ko sa kanila. Opo tama po, nabully ako ngayon aish!

"Ang arte mo tara na nga!" Sabi ni Charles at hinatak na ko papasok ng loob ng bahay nila Alej.

Andoon din iba kong kaibigan at kaklase na may kasama jowa. Malaki kasi bahay nila kasya 50 persons.
Sinalubong kami nila Jessey at Grace.

"Oh buti nahatak niyo siya." Nakangise na pagsasalita ni Grace.

"Hindi nga sana siya sasama eh, well hindi naman niya kami matitiis. Diba Ella?" Nakakindat na sabi ni Charles.

"TSE! TAKOT KO LANG SA MGA KAMAY NIYO. BAKA MAMAYA BATUKAN NIYO KO!" Pasigaw na sabi ko.

Naiirita na ako, ayoko ng magtagal dito naalala ko lang yung mga moment na magkasama kami sa bahay nila. Kaso hindi naman ako makaaalis, nakabantay si Jian sa akin. Eh kung landiin ko kaya siya? Crush naman ako nito dati eh HAHAHA. Ang kaso andito si Jessey na may lihim na pagtingin kay Jian eh pareho na silang may gusto sa isa't isa.
Sana may tumawag sa cellphone ko para makalabas ako ng bahay sabay uwi! Huhuhu hulp!

Maya maya kumain na kaming lima. Inaalok nila ako uminom ng alak pero tumanggi ako, baka kung anong mangyari eh. Kahit panget ako at chubby ako ma-appeal ako hahaha.

"Hija? Si Alejandro ba nagchat sa inyo?" May matandang babae na nasa 45 na ata ang lumapit sa amin. Tinitigan ko yang mukha niya at kamukha siya ni Alej.

"Tita wala po eh. Teka chat ko po." Sabi ni Grace. Nakatitig pa din ako sa kanya. Ilang segundo pa lang napansin niyang tinititigan ko siya at tinignan niya rin ako. Pareho sila ng anak niya na nagtataas ng kilay kapag may tumitingin sa kanila. Napansin ni Jian na nagkatinginan kami.

"Tita si Ella po yan, kaibigan po namin nila Alej." Sabi ni Jian sabay ngiti dun sa mama ni Alej.

"Magandang hapon po." Bati ko at sabay mano sa kanya.

"Ang galang mo naman hija. Kamusta si Alejandro bilang kaibigan?" Tanung niya at sabay ngiti sa akin.

Dapat ko bang sagutin? Ano isasagot ko? Puro sakit lang nasa isip ko ngayon tungkol sa kanya. Kung paano nya ako iniwan sa ere. Kung paano niya ako niloko. Kung paano niya ako saktan. Kung paano niya ako pinaasa. Ano ba dapat kong isagot? Hays bahala na.

Lumunok muna ako at sumagot.

"Okay naman po tita, mabait po siya." Sabi ko habang nakangiti sa Mama ni Alej.

Tumingin sila Grace, Jessey, Charles at Jian sa akin. Lahat sila yung tingin nila na parang nakakaiyak.

"Pamilyar ka sa akin hija, di ko lang maalala kung saan." Sabi ni tita at iniisip niya kung saan.

Nakita na niya ako noon, at sa tingin ko ito na yung time para sabihin ko na.

"Ah tita baka sa mga tag photos lang po." Sabi ni Charles.

"Oo nga tita baka nga po, kasi mahilig kami magpost ng mga groufies." Sabi ni Jessey.

Alam kong pinipigilan lang nila ako magkwento. Pero kailangan kong sabihin kesa naman mamaya pa malaman kay Alej.

"Ex- girlfriend po ako ni Alejandro." Sabi ko habang nagbibigay opinyon sila sa mama ni Alej. Natahimik silang lahat at napatingin sa akin.

"Ako po yung sinend niyang picture sa inyo na dapat kay Grace niya isesend." Sabi ko at napalunok bigla. Bahala na kung anong mangyayari.

"Kaya pamilyar ka. Bakit kayo naghiwalay? At sinekreto niyo pa sa akin." Sabi niya at nakakatakot siya magsalita.

"Ella tama na.." bulong ni Jian at hinihila na niya ako paalis sa pwesto namin.

"Okay lang Jian.." sabi ko at tinanggal ko yung kamay niya.

"Mahal mo ba anak ko?" Tanung pa ulit niya.

"Opo. Mahal ko pa po." Sabi ko ng nakatitig sa mata niya.

Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.

"Hija.. hindi ko alam kung bakit mo siya mahal pero sa tingin ko nararapat ka sa kanya.." sabi niya at nakangiti sa akin.

Ngumiti ako tumulo luha ko. Oo sobrang mahal ko si Alejandro. Siya lang ang gusto ko at wala ng iba.

Ngunit akala ko ito na yung chance ko na magkabalikan kami ng dahil sa Mama niya pero biglang may nangyari.

"Ma! Nandito na ako! May kasama ako kaya natagalan ako.." Lahat kami napalingon sa kinakatayuan ni Alej. Parang bumagal yung paligid ko.

"Ma pasensya kana ah?.. may kasama kasi ako.." sabi niya at hinahatak niya yung tao sa likod niya.

"Uy Sheena.. halika. Ma si Sheena nga pala, girlfriend ko." Sabi niya sabay ngiti sa aming lahat.

"Hello po tita." Kumaway siya sa Mama ni Alej at ngumiti.

Maputi siya, mahaba buhok, color brown ang buhok niya, chinita, walang pimples, mas matangkad si Alej sa kanya at higit sa lahat sexy.
Nakuha ko pa siyang titigan habang umiiyak na pinapanood silang magkaholding hands.

Biglang napatingin si Alej sa pwesto ko at nagulat siya kasi nandito ako ngayon sa araw na dapat ay araw niya at ng kanyang girlfriend. Napapunas ako ng luha at kinuha ko na yung gamit ko kay Charles.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ko ng panyo ko ung mga luha ko na tuloy tuloy pa ring bumabagsak sa mga pisngi ko.

"Hija, saan ka pupunta?" Naglalakad na ako at napahinto ako sa harap ni Alej at nung babae. Humarap ako sa Tita niya at ngumiti.

"Kailangan ko na pong umuwi. Meron pa po kasi akong mas importanteng asikasohin kesa po tumambay dito. Welcome back nga po pala sa bansa natin." Nagbow ako at tumalikod na. Nakita kong tinignan ako ni Alej pero hindi ko na siya pinansin pa patuloy ng umalis.

Lumipas ang dalawang linggo simula nung araw na yon, at bigla akong minessage ni Alej.

Alejandro message you.

Ioopen ko ba? Or wag? Hindi ko alam kung anong sinabi niya. Hays..

Out of curiosity binuksan ko yung message niya.

"Wag ka na ulit pupunta sa bahay at makikipag-usap sa Mama ko! Wala na tayo! Please lang ayoko na ng gulo. Nagalit girlfriend ko ng malaman niya tungkol sayo! Please wag ka ng pupunta dito!"

Ang kapal ng mukha ng punyeta. Anong akala niya naghahabol ako sa kanya? Kapal naman.

Binlock ko na siya at lumipat na rin ako ng school. Kahit kailan ayoko ng makita pagmumukha niya at magkaroon pa ng ugnayan sa kaniya.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now