Episode 4

5 0 0
                                    

"Naparami ang inom nila pare." Napadilat ako ng kaunti. At ramdam kong may nagbubuhat sa akin.

"Naparami ka diyan, sobrang dami kamo... Ang sabi sa akin ni Leslie kanina magsasaya sila" Pamilyar yung boses pero sa sobrang sakit ng ulo ko hindi ko siya matandaan.

"Sobrang saya nga pare.."

"Sige ako na bahala dito sa isa, ito ang address niyan ikaw na bahala"

Napapikit ako ulit, naramdaman kong pinasok ako sa sasakyan. Napadilat ako ulit ng kaunti at naaninag ko ang mukha ni... Jason.

"Huwag mo kong iiwan..." Pabulong kong sabi sa kanya.

"Hindi kita iiwan.." Sagot niya sa akin at hinawi ang buhok ko.

"Salamat... Alejandro..."

*It's 6am wake up! Wake up!*

"Uggh! Inaantok pa ko eh.." Hindi ko pa madilat ang mata ko at sobraaaang sakit ng ulo ko.

*Let's take our time tonight girl*

Tatlong beses tumunog yung ringtone ko kaya lalong masakit sa ulo.

*6:30 WAKE UP!*

Napabangon ako bigla dahil sa mga pesteng alarm clock at phone calls.

"UGH! ULO KO HUHU" Napasigaw ako sa sakit ng ulo ko. Kinuha ko yung cellphone ko na nasa tabi ko lang.

*5 missed calls from Leslie*
*3 text messages*

"Pucha naman ang aga aga pa eh.." Binaksak ko yung sarili ko sa unan para matulog ulit pero tumunog ulit yung cellphone ko at feeling ko palakas ng palakas yung tunog. Pagtingin ko nasa tabi lang ng mukha ko yung cellphone.

Sinagot ko yung tawag ni Leslie at pinapapasok na niya ako. Binaba ko na yung tawag at dumiretso na sa banyo.

After kong maligo at mag-ayos eh may naamoy ako na pagkain sa maliit kong kusina. Pagtingin ko eh may pagkain sa lamesa, nakatakip lahat at may papel na nakadikit sa lamesa. Napakunot naman ako ng noo. Wala naman akong ibang kasama dito ah?
Ah oo nga pala may natatandaan akong nagsakay sa akin sa kotse.... Teka baka si Jason!

Dali dali akong pumunta sa may lamesa at binasa yung nasa papel.

Hi,
Pasensya ka na at bumalik ako ulit. Naisip ko kasi na baka tulog ka pa, pero pagpasok ko parang kapapasok mo lang sa banyo. Ah paano ako nakapasok? Kinuha ko yung susi mo kagabi nung pagtapos kitang ilagay sa kama mo. Pasensya na rin kasi pinalitan ko yung damit mo kagabi pero hindi kita binastos wala akong ginawang masama sayo. Pinagluto na rin kita kaya ako bumalik. Kumain ka muna bago ka pumasok ah. Sana maging okay ka na.
P.S yung susi mo nasa lamesa na din.
P.P.S dinalhan na rin kita ng gamot para sa sakit ng ulo
=)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now