Chapter 3

11 0 0
                                    

One week na akong absent sa trabaho. Wala akong idea kung sino nagdala sa akin sa hospital pagtapos kong mahimatay sa loob ng sasakyan. Binigyan ako ng 3 days leave ng boss ko pero sa kadahilanan na hindi ko pa din kaya eh nag-extend ako.

*beep beep*

1 new message received.

From: Boss Oliver
Hindi ka pa rin ba okay? Alam mo namang kulang kami sa Staff kaya dapat bumalik ka na.

"Hays *sigh* okay papasok na po.." Bumangon na ako at naligo. After kong nagbihis, nagayos na ako konting make-up kilay, powder at lipstick lang. Pag-tingin ko sa phone ko.. wallpaper pa rin pala namin yung nakalagay. Ayokong umiyak ulit kaya pinalitan ko na lang ng cute na teddy bear ang wallpaper ko.

After one hour nakarating na ako sa coffee shop.

"Good morning po Mr. Oliver." Bati ko sa Boss ko.

"Oh late ka na, 7am ako nagtext ah bakit 9am ka lang dumating?" Tanung niya habang gumagawa ng Espresso.

"Sorry po Sir.. medyo masakit pa rin kasi ulo ko.." Sabi ko at nakayuko lang.

"Sige na magtrabaho ka na. Pasensya ka na kasi talagang kulang tayo sa tao. Kailangan na natin maghiring." Tumingin siya sa akin at hinawakan niya yung balikat ko at napatingin ako sa kanya.

"Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon, Ella. Pero isantabi mo muna yan. Nasa trabaho ka ngayon kailangan mong magfocus." Iniabot niya yung isang kape na hawak niya sa akin at tinapik niya ako sa balikat. "Makakaya mo yan." Kinuha niya yung espresso niya at umalis na.

"Wow ang bait talaga ni Sir Oli!" Nagulat naman ako sa nagsalita sa likod ko.

"Jusko Leslie, aatakihin ako sa puso sayo!" Napahawak pa ako sa dibdib ko sa gulat ko sa kanya.

"Buti pinabalik ka na niya dito, isang linggo na siyang pumalit sa trabaho mo noh." Sabi niya habang nililinis ang counter.

"Hala bakit? Na saan na sila Ronald?" Tanung ko at ininom yung kape. Grabe ang sarap niya talagang gumawa ng kape. Feeling ko nawala ng 30% yung bigat ng nararamdaman ko.

"Sila Ronald? Ayun nag awol ang mga loko. Na-adik sila sa pagsusugal kaya di nakakapasok." Sabi niya at hinanda na yung mga gamit.

"Grabe naman... Nakakaawa naman si Sir Oli.. dapat si Ronald ang kapalitan ko diba? Hindi mo na ba siya nakokontak?" Tinapon ko na yung baso ng kape ko at sinuot na yung color cream na apron ko at nilagay na rin yung name tag ko.

"Hindi naman nila sinasagot yung tawag ko, tatlo lang kami ni Jaime at Alan ang pumapasok kaya tinutulongan na kami ni Boss." Mga walangya talaga sila Ronald at Bong dapat si Ronald ang pumalit sa akin kasi nagpromise siya sa akin nung umabsent siya na siya naman ang papalit sa akin tulad ng ginawa ko sa kanya.

Nagsimula ng pumasok ang mga customer pero nandito pa din si Sir Oliver. Mukhang may hinihintay siya.

1pm na at maglu-lunch break na sana kami ni Leslie pero may customer pang pahabol.

"Good afternoon sir, ano pong order nila?" Nakangiti kong approach sa kanya. Nakangiti din siya at nakatingin sa akin bago magsalita.

Mga 5 seconds siyang nakatingin, parang may sasabihin siya sa akin

"Sir? Oorder po ba kayo o what?" Napakamot ulo ako kasi ang weird niya.

"Ahm.. sorry haha" napapikit siya pero nakangiti pa din.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now