Chapter 2

6 1 0
                                    

3 years later...

Simula ata nung nakipaghiwalay ako kay Alejandro eh minalas na ako sa love life.

Nung lumipat kami ng bahay at ng school eh may nakilala akong famous sa school na si Renz. Naging kami for almost 5 months ang kaso nagbreak kasi hindi pala siya tunay na lalaki. Oo hindi talaga. Bading ang walangya. Lalaki rin ang gusto niya, ginamit niya lang ako for fame and para walang pumatol na babae pa sa kanya para malaya sila ng boyfriend niya na yummy din ay este gwapo din.

Nahuli ko silang nag aanohan alam niyo na yun yung ginagawa ng mga magjowang bading. I'm not against sa LGBT pero tangina nilang mga bakla sila! Pinaasa niya akong mahal niya ako! Kaya pala ayaw makipag-kiss ng bakla na yon eh nandidiri siya!

Nung 18 naman ako eh may nakilala akong Gamer. Oo Gamer ang oppa niyo. Matangkad siya, maputi, singkit may six pack abs at yummy siya bes. Natutunan ko mag DOTA ng dahil sa kanya, na-adik rin ako sa LOL ng dahil sa uLOL na yon. Ang kaso mga bes pakboy ang loko.
Habang naka duty ako sa work ko noon eh nabalitaan ko na may girlfriend na pa lang iba si oppa, tapos may katext pang iba. Kung hindi pa sila nakita ng kaibigan ko hindi aamin ang loko. Pinanindigan yung pagiging Gamer nung bwisit. Di rin kami nagtagal, 3 months lang kami.

Nung 19 naman ako eh may nakilala ako sa party na pinuntahan ko, friend ng friend ko. He's a good guy, he understands me well. Mahilig siyang magregalo ng mga girly stuffs and teddy bear. We both inlove to each other. Nung nag 6 monthsary kami eh he decided to ask me the every girls dreams. I still remember that day..

June 12, 2017 2:43pm
Nakabreak ako sa trabaho. Tumambay muna ako sa harap ng Coffee shop na pinpasukan ko suot ang white poloshirt ko with my silver name tag, hindi ko na rin tinaggal yung apron ko sa sobrang pagod ko.

Biglang may lalaki na umupo rin sa harap ko. Tinignan ko siya, at nakita ko nanaman ang charming niyang mata.

"Ikaw lang pala Jason." Sabi ko at napabuntong hininga.

"Lang pala? Grabe. Ganyan ka ba sa gwapo mong boyfriend?" Sabi pa niya at nagpa-cute sa harap ko. Parang kailan lang iniinis niya ako kasi hindi ko siya binigyan ng pera para pang down sa cellphone niya.

"Ano na naman bang kailangan mo? Pera na naman ba?" Nakapikit lang ako at nakahawak sa noo ko.

"Grabe siya! Hindi ah. May ipapakita ako sayo at itatanong kaya ako nandito.." Tinatanggal niya yung kamay ko at pilit niyang tumingin ako sa kanya.

The Only ExceptionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora