Part 11

28.5K 1K 4
                                    


ANG NAGBABAGANG bugso ng damdamin ni Randall ay bahagyang napawi sa nadatnang hitsura ng ina ng kanyang anak. Nakaupo si Aira sa lapag, yakap-yakap ang mga tuhod at umiiyak. Basang-basa ng luha ang mukha ng babae. Never did it cross his mind that he would see her like that—animo basang-sisiw na hindi malaman kung saan susuling. Tila may kung anong humaplos sa kanyang puso upang pawiin ang nagpupuyos na damdamin.

Nagpakawala si Randall ng marahas na hininga bago nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig. Nagagalit siya kay Aira. Paano nito nagawang itago sa kanya ang anak niya? Gayunman, hindi rin niya kayang makita si Aira sa ganoong sitwasyon. Lalong naninikip ang kanyang dibdib sa hitsura nitong animo pinagsakluban ng langit at lupa.

Pumitlag si Aira nang hawakan niya sa mga braso at itayo. Tinuyo niya ang mukha ng babae bago ito pinaupo sa sofa at pinainom ng tubig.

"Paano mo nagawa ito, Aira?" tanong ni Randall pagkaraan ng ilang sandali. Kalmado na ang babae at siya naman ay bumabalik na uli ang galit sa dibdib.

"N-nakikiusap ako, Randall, please, huwag mong kukunin sa akin ang anak ko," garalgal ang boses na sabi ni Aira kasunod ng muling pagtulo ng mga luha.

Nag-iwas si Randall ng tingin. Hindi niya alam kung bakit naaapektuhan siya sa nakikitang paghihirap ng kalooban ni Aira.

"A-ano'ng pangalan niya?" naghihirap ang loob na tanong niya. Tila may kung anong nakabara sa kanyang lalamunan na nagpapahirap sa kanya na huminga. May anak na pala siya ngunit hayun at ni hindi niya alam ang pangalan ng kanyang anak.

"H-honeyleen. Honeyleen Rendall... Clark."

Mapait na napangiti si Randall kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha. "Honeyleen Rendall Clark... Dapat ko bang ikatuwa na ipinangalan mo siya sa akin? Na hindi mo ako tuluyang binura sa buhay niya?" tanong niya sa basag na tinig.

Marahas na pinahid ni Randall ang mga luha at nakapamulsang nagpalakad-lakad sa sala. Nakita na niya ang kanyang anak, mahimbing pang natutulog ang bata. Hindi maikakailang siya nga ang ama ni Honeyleen. Ramdam niya iyon. Napatunayan niya na totoo ang sinasabi ng marami na lukso ng dugo. Para siyang tinadyakan sa sikmura pagkakitang-pagkakita pa lamang niya sa mga retokadong litrato. Gusto niyang magwala sa isiping halos anim na taon na palang wala siyang kamalay-malay na may isang paslit na nangangailangan ng kanyang kalinga. Ipinagkait ni Aira sa kanya ang pagkakataong iyon.

Gayunman, sa kaloob-looban ni Randall ay gusto rin niyang malaman kung naging maayos ba ang pagbubuntis ni Aira. Kung hindi ba nahirapan ang babae habang dinadala sa sinapupunan nito ang kanyang anak. Kung sino ang nagbigay ng mga gusto nitong kainin sa panahong naglilihi ang babae. Kung sino ang umalalay at nag-alaga rito kapag may morning sickness at mood swings.

"Ano ang alam ng bata sa akin?" kapagkuwa'y tanong ni Randall. Gusto niyang mapasigaw kanina nang makita si Honeyleen sa silid nito. Punong-puno ng mga drawing ng bata ang isang panig ng dingding. Karamihan sa mga iyon ay tungkol sa pamilya—may ama, ina, at anak.

"R-Randall, please—"

"Answer me, damn it!" Hindi niya napigilan na pagtaasan si Aira ng boses. Walang ideya ang babae kung paano ang ginagawa niyang pagpipigil sa sarili huwag lamang itong masaktan. Palakad-lakad pa rin siya habang si Aira naman ay atubiling nakaupo habang hawak-hawak ng nanginginig na kamay ang dulo ng suot na roba.

"A-ang alam niya, nagtatrabaho sa a-abroad ang daddy niya. T-that he'll be coming home soon with a lot of Barbie dolls for her," paputol-putol na sagot ni Aira.

Nagtatagis ang mga bagang na nasuntok ni Randall ang isang bahagi ng dingding ng bahay. Sumakit ang kanyang kamay ngunit mas masakit pa rin ang kanyang loob. "He'll be coming home then. Tomorrow!" pinal na sabi niya.

Nag-angat ng tingin si Aira at umiling. "N-no..."

Malalaki ang hakbang na lumapit si Randall sa kinauupuan ng babae, at hinawakan ito sa magkabilang balikat at bahagyang niyugyog. Alam niyang nag-aapoy sa galit ang kanyang mga mata.

"Whether you prepare her or not, I'm coming home tomorrow, galing sa abroad at maraming dalang pasalubong para sa kanya. Just like you planted in her mind. Naiintindihan mo?" Padarag na binitiwan niya si Aira nang makita ang pagngiwi ng babae dahil marahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa mga balikat nito. He was so mad, and yet he couldn't stand seeing her hurt. "Hindi pa tayo tapos, Aira," banta niya at saka tinungo ang pinto. Kailangan niyang lumayo muna kay Aira habang nakokontrol pa niya ang galit. Baka pagsisihan niya ang maaaring magawa rito kapag hindi pa siya umalis.

Muling nilingon ni Randall si Aira. Hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak ang babae. Hindi niya maintindihan kung bakit parang gusto niya itong balikan, ikulong sa kanyang mga bisig, at sabihing maaayos din ang lahat, na aayusin niya ang lahat.

"Don't you dare hide her again from me! I'm warning you, Aira. Alam mo kung ano ang mga kaya kong gawin," mariing wika niya. "One more thing, I don't want to see that old man here ever again!"

"N-no, Randall, he's my—"

"Naiintindihan mo?" bulyaw niya.

Tila napipilitang tumango si Aira.

Tuluyan nang tinalikuran ni Randall si Aira at saka nagtungo sa kabilang resort. Doon niya inilabas ang lahat ng tinitimping galit.

Subalit ano mang galit niya kay Aira, ang isang bahagi ng kanyang isip ay pilit itong binibigyan ng katwiran at pang-unawa. Hindi nga ba at halos mapatay niya ang babae noon nang malaman niyang ginamitan siya ng droga? Halos manginig ito sa takot nang umagang iyon. Kung ano-anong pang-iinsulto ang inani ni Aira mula sa kanya, gayundin ang mga banta. At pagkatapos ng insidenteng iyon ay hindi na ito nagpakita sa kanya.

Nang lumayo na si Aira ay nakahinga siya nang maluwag. Sa wakas ay hindi na guguluhin ng babae ang buhay niya. Para sa kanya, isa lamang si Aira sa mga babaeng social climber na gagawin ang lahat makabingwit lamang ng isang tulad niya. Minsan nga ay iniisip niya, paano kaya kung hindi si Senator Clark ang kanyang ama? Paano kung hindi siya mayaman at hindi kabilang sa alta-sosyedad? May maghahabol kayang mga babae sa kanya?

But he was Randall Clark. Pangalan pa lang niya ay napakarami nang ipinakakahulugan.

Thank you for reading. Paki-VOTE na lang. :D

At First Sight (Completed!)Where stories live. Discover now