Part 13

25.9K 1.1K 23
                                    


MULING pinahid ni Aria ang mga luhang kanina pa ayaw paawat sa pagtulo. Bumibingi sa kanya ang mataginting na halakhak nina Honeyleen at Randall mula sa sala habang nasa kusina siya at naghahanda ng pagkain.

Hindi niya alam kung paano nagawan ng paraan ni Randall na makapamili ng ganoon karaming laruan, damit, sapatos, at kung ano-ano pa sa loob lamang ng maikling oras. Pulos imported ang mga iyon. Kunsabagay, may imposible nga ba para sa isang Randall Clark? mayaman at maimpluwensiya ang lalaki.

Dahil sa pagkataranta at panginginig ng mga kamay ay nabitiwan ni Aira ang hawak na baso at bumagsak iyon sa sahig. She silently cursed herself for being so clumsy.

"Don't move," narinig niyang utos ni Randall na hindi niya namalayan ang pagpasok sa kusina. "Nasaan ang walis at dustpan?" hindi ngumingiting tanong ng lalaki.

Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Aria. Marunong bang humawak ng walis at dustpan ang isang Randall Clark? Gayunman, itinuro din niya ang stockroom sa isang bahagi ng kusina.

"I said don't move, damn it!" pigil ang pagtaas ng boses na sabi ni Randall nang tangkain niyang humakbang.

Gustong mapakunot-noo ni Aria. Bakit ba nagagalit ang lalaki? Ano naman ngayon kung humakbang siya? Hindi naman siya tanga para tapakan ang nagkalat na bubog sa sahig. At kung sakali mang matapakan nga niya ang mga iyon, hindi naman siguro niya ikamamatay ang sugat na lilikhain ng bubog.

"There," ani Randall nang maipon na ang lahat ng bubog sa dustpan.

Hmm, marunong palang humawak ng walis ang loko. Kung naiba-iba lang ang sitwasyon ay baka natawa na siya sa hitsura ni Randall.

"Relax a bit, will you?" wika nito.

Akala ni Aria ay lalabas na si Randall ngunit lumapit sa kanya ang lalaki at bago pa niya mahulaan ang gagawin nito ay naidampi na nito ang daliri sa malalaki niyang eye bags.

"Stop crying..." marahang sabi ni Randall, saka hinagkan ang kanyang mga mata. Kapagkuwa'y lumabas na ang lalaki ng kusina.

Naiwan si Aria na naguguluhan.

Awww! :D

Leave a COMMENT. At, paki-VOTE na rin po. Thank you.

At First Sight (Completed!)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt