7

2.7K 62 2
                                    

Chapter 7

“Totoo ba talaga na kasama mo s'ya?” kinikilig na tanong ni Lala.

“Ay hindi aparisyon lang niya 'yan.”

“Pilisopo ka din, ano?! Nagtatanong kaya ako ng ayos.”

“Pilosopa,” pagtatama ko.

She just rolled her eyes and said, “Whatever!”

“Bumalik ka nga dito, uy!” pagsaway ko sa kanya. Panay ang silip niya sa labas ng bintana. Hindi ko na kasi pinapasok pa si Copper. Bahala siyang maghintay sa labas.

“Palit na lang tayo ng kapalaran, friend. Alam mo naman na matagal ko ng pangarap na makasama ng matagal si Copper. Tapos ikaw mai-pagdadrive ka niya. Nasa iisang kotse kayo. Magkasama kayo sa buong byahe. As in halos buong magdamag. Kung ako ang nasa kalagayan mo baka magahasa ko na s'ya. Para lang maging akin s'ya.”

“Shhh... tumahimik ka nga?!”

Unti-unti siyang lumapit sa akin. Naupo siya sa kabilang bahagi ng kama. Magkaharap kami ngayon. “Bakit ba mukhang ayaw na ayaw mo sa kanya?”

“Ayoko sa mga taong sporty!”

“Ano!?”

“Ayoko sa kanya dahil lagi s'yang pawisan. Basketball player, di ba? Meaning... he's always wet and sticky.”

Natigil ang paglalagay ko ng huling piraso ng damit sa maleta ko. “So, what do you mean by that?” nakangisi niyang tanong.

I throw a pillow on her. Ang dumi ng utak niya. Nahawa na din ako sa kanyang pagngisi. “B-basta ayoko sa kanya.” Ayoko sa kanya dahil masyado siyang malagkit makatingin. Una pa lang naming pagkikita sa Alco Bar.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Roi. Kulang na lang ay lumubog ako sa kinatatayuan ko.

“Be nice to Copper, okay?! Siya ang producer naten... kaya kung gusto mong masundan ang movie na 'to. Makinig ka sa'ken.”

“Akala ko ba basketbolista lang 'yon. Paano s'yang naging producer?” curios na tanong ko.

His eyes narrowed. “Malay ko. Basta ang alam ko lang nagulat na lang ako ng makita ko sya sa opisina ni Mr. Ronquillo.”—the CEO of Film Maker.

“Akala ko ba magkaibigan kayo?”

Patamad na tinapunan niya ako ng tingin. “But it doesn't mean na lahat ng nangyayari sa buhay niya ay kailangan ko pang malaman. Kung gaano siya kadalas na magpalit ng briefs or girlfriend kaya. Kung gumagamit ba sya ng condom kapag nakikipagsex or what!? It's his personal life anyway.”

Ang dami na niyang sinabi. Isa lang naman ang tanong ko. “Okay,” sumusukong sabi ko. “Bakit hindi ko man lang sya na-meet—.”

Eksaheradang pinaikot niya ang kanyang mga mata. “Busy sa tournament. Obvious ba?! Bakit ba ang dami mong tanong? Just go on with the flow.”

Ngunit ang mas ikinagulat ko ay ng malaman na magkababayan pala kami. Kilala sa isla namin ang angkan ng mga Arrieta. Pero hindi ko alam na kasali siya sa pamilyang iyon.

“Is these all your things?” tanong niya sa baritonong tinig. Hindi na niya hinintay ang magiging sagot ko. Inilagay na niya sa likod ng sasakyan ang gamit ko.

May nakita ka pa bang iba? Gusto ko sana siyang suplahin ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Itinatak ko ang pangaral ni Roi. “May iba pa naman akong mga gamit duon. Besides, hindi naman ako magtatagal.”

“Sayang naman kung ganun. Gusto sana kitang isama sa pamamasyal sa hacienda.”

“Hindi na,” pagsusuplada ko. Kahit na may parte ng kalooban na gustong pumayag. Hacienda Arrieta ay isa sa mga mayamang lupain sa Cadi.

Rush Of Emotions #Wattys2018Where stories live. Discover now