14

1.9K 54 5
                                    

MATAGAL na din simula ng huli kaming magbobonding ni Lala. Kaya naman dalawang araw akong nanatili sa dating apartment ko. Medyo emosyonal pa ako ng malaman na hindi pa pala siya tumatanggap ng bagong roommate. Baka daw kasi maisipan ko na balikan siya. Kung hindi pa ako nagpaalam na baka hinahanap na ako ng asawa ko. Hindi niya ako papayagan na umalis. Inimbitahan ko na lang na dalawin niya rin ako. Pinakain niya muna ako para hindi na raw ako magluto.


Pagbukas ko ng pintuan ng kwarto ay bumulaga sa ilong ang amoy ng alak. Napangiwi ako sa amoy na humahalo sa aircon. Sa kama ay nakahiga ang lasing na si Copper. Nagkalat ang mga boteng walang laman.


Anong nangyari?



Tinapik ko ang mukha niya para magising siya. Pero parang akong gumising sa mantika. Hindi man lang siya gumalaw. Bakas sa mukha niya ang matinding pagod. Hindi naman kasi biro na pagsabayin ang pangarap at responsibilidad niya sa kanyang pamilya. Bumuntong-hininga ako bago nagtungo sa banyo.


Pagbalik ko ay may dala na akong isang batya ng maligamgam tubig. Iniiwasan kong wag mapadako ang mga mata ko sa dibdib niya. Baka hindi ko mapigilan at mawala ako sa sarili ko. Mahina din ako sa tukso.


Nasa kalagitnaan na ako ng pagpupunas sa kanya. Nang umungol siya. “Copper, anong bang nangyari?” pinilit ko siyang kausapin. Pero bumalik lang siya sa pagtulog. “Nawala lang ako ng ilang araw, ganito na ang dadatnan ko.”



“Sierra…” aniya na tila nananaginip.


Marahan kong tinapik ang braso niya. “Nandito ako. Gusto mo bang ipagtimpla kita ng kape?”



“Wag mo akong iwan, please…” he pleaded. Pilit niyang inaabot ang mukha ko.


Ginagap ko iyon. Ngunit patuloy siya sa pagsasalita at pagbiling ng mukha. “Copper, hindi kita iiwan.”

Tsaka lang tila kumalma si Copper. Ilang minuto din kami sa ganuong posisyon. Nang aalis na ako sa tabi para lumipat sa labas. May kamay na pumigil sa braso ko. Mabuti na lang at naituon ko ang kamay ko at nakahawak ako. Kamuntikan pa akong mawalan ng balanse.



“Dito ka lang sa tabi ko,”


An old memory hits my brain. Animo nabaliktad ang posisyon naming dalawa. Four months ago, ako ang nagmamakaawa na wag siyang umalis sa tabi ko. Habang nagdedeliryo ako. Umahon ang kaba sa dibdib ko. Umupo ako sa gilid ng kama habang dinadama ang noo niya. Nakaramdam ako ng ginhawa nang madama na normal lang ang singaw ng kanyang katawan. Kinabahan pa naman ako.


Mula sa siwang ng mga talukap niya  ay pilit niya akong inaaninag. “Ikaw nga, Sierra.” anas niya.



“Uy! May problema ba?” kaswal na tanong ko. Normal na sa amin ang magsabihan ng mga problema.


“Akala ko iniwan mo na ako.” parang batang ungot ni Copper.


Napangiti ako, “Sorry… hindi kung hindi ako nakapagpaalam. Si Lala kasi ang kulit.”


“Okay lang, nandito ka na sa tabi ko.”


Hindi ako nakaangal ng hilayin niya ako sa tabi niya. Normal ba 'to sa taong lasing? Hindi ko naman kasi nasubukan na magpakalango. Tapos paminsan-minsan ay umuungol siya. At para makapante siya ay hinahaplos ko ang braso niya ay bumabalik siya sa pagtulog. Napangiti ako, sa laking tao ni Copper. Mas gusto niya na tinatrato siyang baby.



Nanatili pa ako sa tabi niya. Hanggang sa unti-unti akong hinihila ng antok. Nakakaantok naman kasi ang tumitig sa kagwapuhan ng asawa ko.




HINDI ko na mabilang sa daliri kung ilang beses kaming nag-iwasan ni Copper. Sabay kaming nagising kaninang umaga. Nakayakap ako sa unan na nilagay ko sa pagitan namin. Pero nakadantay naman ang binti niya sa binti ko. Sabay pa kaming nagulat at lumayo sa isa't-isa.



“You go, first.” ani Copper.


Nakayuko naman na pumasok ako sa banyo. Halos hindi umabot sa labi ko ang ginawa kong pagngiti sa kanya. Sa loob ng banyo wala akong ginawa kundi pagalitan ang sarili kong repleksyon sa salamin.


“Kasalan mo 'to, eh.” pabulong na paninisi ko. “Bakit ka nagpadala sa antok? Alam ko naman na mangyayari ito. Sana nag-iwan ka nang lakas para lumipat sa sala.” sinabunutan ko ang sarili tsaka dahan-dahang nilamukos ang mukha ko.


Sunod-sunod na katok ang gumulantang sa pag-eemote ko. “Sierra, are you done? It's emergency…” sigaw ni Copper mula sa labas. “Oh, thanks…”


Nagsalubong ang paningin naming dalawa. Ngunit siya ang unang nag-iwas. Sapo niya ang kanyang tiyan na nagmamadaling pumasok sa banyo.


“Ang baho!” pinapaypayan ko ang ilong ko. Pagkatapos ay nakatakip ang ilong na nagwalk-out ako. “Grabeng pasabog 'yan, Copper.” nakataklob na sigaw ko.


Iyong akala ko na hindi niya ako narinig. He shouted back, angrily. “You go away,”


“Sungit!”

Balak kong manuod ng tv sa sala. Ngunit kumuha ako ng tubig. Pakiramdam ko tuyong-tuyo na ang lalamunan ko. Kailan ko pa rin naman na magsalita. Kaso hindi pa rin ako iniimikan ni Copper.

Speaking of, animo kami nagpapatintero nang magkasalubong kami. Tumigil siya at inilahad ang kamay. Go, aniyang walang lumalabas na boses sa bibig niya. Nagkunwari akong umiinom ng tubig pero sinisilip ko kung ano ang ginagawa niya.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang bigla siyang lumingon. Malakas talaga ang pakiramdam niya. Nakaingos na umalis ako dahil nag-aapoy na ang mga mata ng kumag.


Hindi ako sumabay na kumain sa kanya. Hindi rin siya nag-abalang alukin man lang ako. Mag-aala-una na ng hapon ako lumabas ng kwarto.

Naghila ako ng upuan at tsaka nagtaong, “Hindi ka pa kumakain?”


Sandali lang niya akong tiningnan. “Obviously, hinihintay kita.”

“Bakit? I mean bakit hindi mo ako kinatok. Para naman hindi ka na naghintay ng matagal.”




Binalewala niya lang ako at sumubo. Kung itaob ko kaya ang lamesa. Nang malaman niya na hindi niya ako dapat iniisnob. Matapos ko siyang bantayan kagabi tapos gaganituhin niya ako. Bastusan ba 'to?




Naiintindihan ko naman na naiilang siya sa akin. Pero kung kelan malapit na kami. Lalayo naman siya. Akala ko ba susubukan namin?

Padabog na binitawan ko ang kubyertos. Napukaw ng kalansing niyon ang atensyon ng binata. “Copper, I can take this anymore.” angal ko.


Mukhang nataranta siya. Nagkakandarapa siyang lumapit sa akin. “May nagawa ba akong mali? May hindi ka ba nagustuhan? Sierra, nag-uumpisa pa lang naman tayo.”


“Ano bang pagkakaintindi mo sa sinabi ko? Ang hindi ko lang matagalan ay ang pag-iiwasan naten.”


Pinaloob niya ang dalawa kong kamay sa magkasalikop niyang mga palad. Dinala niya iyon malapit sa kanyang bibig. I can feel his warm breath. He sighed in relief. Hinuli niya ang mga mata ko, “Salamat, Sierra.”

“Okay,” na hindi inaalis ang tingin sa kanya.

🏀🏀🏀
©froggybean

Rush Of Emotions #Wattys2018Where stories live. Discover now