11

2.1K 54 2
                                    

Chapter 11

HINDI ko alam kung bakit ako nasa sitwasyong ganito. Nasa harapan ko ang kaibigan ko at ang nobyo niya. Ilang minuto ko nang pinakikinggan ang mga pangaral niya.

“Jusko naman Sierra! Kung kelan ka pa umabot ng ganitong edad tsaka ka naman nagdesisyon ng ura-urada.” talak ni Lala.

“Hon, wag ka namang ganyan kay Sierra. Baka naman talagang inlove lang siya kay Copper Sarabia. Tsaka matagal ka na din namang fan nung tao. Wala naman tayong nababalitaan na may niloko siyang babae. At ni minsan ay walang na-link sa kanya.” paliwanag ni Gino.

Sinamaan ito ng tingin ng kanyang nobya. “Baka naman magaling lang magtago.” masungit na turan niya. “Ikaw naman, Sierra. Bakit kailangang madaliin ang kasal? Hindi mo man lang pinaalam sa mga magulang mo. At sa huwes pa. Hindi ka man lang humiling ng engrandeng kasalan. Kung tutuusin, kayang-kaya ni Copper ang gastusan 'to.”

Wala nga yatang makakapigil sa bunganga ng kaibigan ko. Patuloy siya sapagtalak at hindi man lang maawat ni Gino.


“Nagmamahalan kaming dalawa, Lala. Bakit kailangang patagalin pa ang lahat? Tingnan mo nga kami ni Dustin, two years ang tinagal ng relasyon namin. Pero, ano? Di ba at iniwanan niya din ako.” walang halong hinanakit na saad ko.

“Nagmamahalan ka d'yan?! Ilang beses pa lang kayong nagkita. Tapos hate na hate mo 'yung tao. Ang dami mong negatibong sinasabi. Anong nangyari? Bakit kasalanan na agad? Explain that to me.”

I sighed. How many times do I need to explain? Kung laging may katwiran siya sa akin. “Whirlwind romance,” tipid na sagot at ngiti ko.

“Hindi 'to nobela, friend. Totoong buhay 'to. Buhay mo.”

Alam kong pareho kaming writer. At hindi ko siya maloloko. Kaya naman pilit siyang nangangatwiran. Pero desisyon ko ito.

May pinindot ako sa laptop ko na itinabi ko kanina. Alam ko na kakailanganin ko ito kaya naman inihanda ko na. Bumungad kay Lala ang mga pictures namin ni Copper, together. Kuha iyon sa iisang araw lang at iisang lugar. Nahirapan pa nga ako sa pagpapalit-palit ng outfit. Alam ko kasi na hindi maniniwala ang kaibigan ko na inlove ako. Hindi naman mahirap magpanggap na inlove kami ni Copper sa isa't-isa. Marunong din naman akong umakting. Ilang beses din akong sumali sa role playing noong high school.

“Hindi pa ba sapat na ebidensya ang mga larawan namin. Sweet kami sa isa't-isa d'yan.” namumula ang pisngi ko.




Hindi iyon pansin ni Lala dahil abala siya sa pagsipat ng mga larawan. Dahan-dahan pa niyang iniscroll at hindi pa nakuntento at pinalaki pa niya sa screen.



Kinuha niya ang cellphone ko. “Tawagan mo sina Tito at Tita. Baka naman sabihin nila na bad influence ako sa anak nila.” aniya.

Inagaw ko iyon mula sa kanya at nilapag sa pang-isahang sofa. “H-hindi. Alam mo naman na tututol lang 'yon.”

“Alam mo naman pala. Bakit ka nagdesisyon ng mag-isa?”

Natuon ang tingin naming dalawa kay Gino. Tumayo siya at hinagod ang sariling buhok. Nakakaramdam ako na naiinis na siya sa aming dalawa ng kanyang nobya. Pero hindi niya lang sinasabi. “Sa kusina lang ako. Aawat na lang ako kapag nagsabunutan na kayo.” nakangiting biro pa nito.

“Gino!” angal ni Lala.

Nagkibit-balikat lang ang binata at tumalikod.

Tumabi sa akin si Lala. “Seryoso ka na ba talaga, friend?”


Rush Of Emotions #Wattys2018Where stories live. Discover now