Ang Wikang Mapagbago (Poem)

485 1 0
                                    

Filipino:Wikang Mapagbago

Iisa lang naman ang permanente sa mundo,
Ika nga nila, iyon ay pagbabago.
Ngunit hindi ko lamang mawari
Na ang wika pa mismo ang huhubog sa aking pagkatao.

Dahil kasabay ng paglipas ng panahon,
Patuloy pa ring nagbabago ang wika.
At hindi natin namamalayan,
Tayo ang unang naaapektuhan.

Sa paggising pa lang sa umaga,
Hanggang sa pagpapahinga.
Nasasambit natin ang wika,
'Pagkat hindi na ito matatanggal sa ating sistema.

Hindi lang natin napapansin,
Ang kahalagahan ng wikang Filipino sa atin.
Sapagkat kung wala ito,
Hindi natin mailalahad ang ating damdamin.

Wikang Filipino rin ang nagbubuklod sa atin,
Kaya naman patuloy natin itong linangin.
Sa paglalakbay natin,
Sariling wika'y ipagmalaki natin.

Kahit ano pa mang dumating na problema ngayon,
Hindi non mababago
Na ang wikang Filipino ay mapagbago.

School Activities(For students only)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora