Filipino
Kalipunan ng mga salita,
Na nagtataglay ng iba't ibang boses,
Upang maipahatid lamang ang nadarama nito,
Na kahit iyong ipagpalit ay hindi ka ipagkakaila.Saksi ang mga bayaning nag-alay ng buhay,
Para maipaglaban at maipagtanggol ang wika natin.
Ngunit ito'y walang saysay,
Kung wala ni isang nagpapayabong nito.At dahil maraming panahon na ang nakalipas,
Unti-unti na itong natabunan ng mga banyagang salita.
Bayan ko, ito'y umiiyak at nagluluksa,
Sapagkat ito'y inyong pinabayaan.Ngunit may mga taong nagmalasakit,
At tinulungang ibangon at pagyamanin ito.
Sumibol, yumabong at nagbunga,
At hindi na muling malilimutan pa.Ang pagbabagong ito ang siyang simula,
Na hinding-hindi na ito masasapawan pa.
Banyagang salita ang itatakwil nating mga Pilipino,
Upang magwagi ang MAKABAGONG FILIPINO.-----------------------------------------------------------
A/N:
Sorry, ngayon lang po nakapag update si Author. Busy po sya sa schoolworks, but then, hindi nya kayo kinakalimutan...
PS:
Kindly vote and share...
![](https://img.wattpad.com/cover/125702896-288-k15841.jpg)
YOU ARE READING
School Activities(For students only)
RandomFor school purposes lang ito mga readers. Gusto ko lang i-share yung mga naexperience ko and of course, para makatulong sa mga students diyan. Mga ideas na pwede niyong makuha or mahiram basta magpaalam sa author niyo. Avoid plagiarising m...