Filipino/Tagalog
EXTENSION
Ang mundo ay sadyang napakalawak.
Tingnan mo man sa malayo'y parang walang katapusan.
Kung malayo man ang nakatadhana sa iyo,
Pag-uugnayin kayo nito saanman kayo naroon.MESA
Ang buhay ay puno ng saya at problema.
Lagi mo siyang kasama sa hirap at ginhawa.
Kung ang upuan ay nangangahulugang kanlungan ng isang ina,
Ang mesa naman ay para sa tinuturing mong matalik na kaibigan.BLACKBOARD
Ang pagpapabaya ay isang kahangalan.
Kumuha ka ng panulat at isulat sa pisara ang iyong mga pangarap.
Hayaan mong mag-iwan ito ng bakas,
Simbolo iyon ng iyong pagpapakahirap sa pagtupad niyon.
Sukli mo ito sa mga sakripisyo ng iyong mga magulang.ELECTRIC FAN
Isang biyaya ng isang ina,
Hindi lamang kalinga ang kanyang ibinibigay.
Sa tuwing kailangan mo ng kapahingahan,
Ginhawa ang hatid ng bawat haplos niya.-----------------------------------------------------------
*Author Note*
Sorry po kung korni. Ekkkk! Huhuhu...pinilit lang po talaga kami ng teacher namin (kasama ko po mga kaklase ko hehe) na gumawa ng tula tungkol sa pagmamahal. And as you can see, hindi lang siya tungkol sa may romantic relationship, may iba pa pong side ang pwede nating makitaan ng power of love. Kekeke~~~ hahaha...joke lang po. Wala talaga akong alam sa relationship eme na yan, kaya pagpasyensyahan nyo na. Tiis-tiis na lang. Para sa grades! Wooohhh! Salamat po sa patuloy na pagbabasa dito, mga readers and to our silent readers. Sorry po, late palagi ang update ni author. Malandi kasi si author eh. Shh lang kayo. Pagbigyan nyo ng pagnasaan niya si Taehyung at Jungkook. Ehhhh! Hahaha...sorry sa segway ha mga readers? Mababait naman kayo alam ko yun. Anyways, thank you ulit. Hanggang sa muling pag-uupdate ni author. Thank you! Thank you!
Ang maganda niyong author (ngayon lang yan, pagbigyan!)Lady_C
JE LEEST
School Activities(For students only)
OverigFor school purposes lang ito mga readers. Gusto ko lang i-share yung mga naexperience ko and of course, para makatulong sa mga students diyan. Mga ideas na pwede niyong makuha or mahiram basta magpaalam sa author niyo. Avoid plagiarising m...