Chapter 1

710 14 0
                                    


Prologue

Trip To Fall In Love Series

Ang Trip To Fall In Love Series (T2FIL Series), ay tungkol sa sampung kababaihang magkakaibigan na dumalo sa isang okasyon na ginanap sa La Famosa Aldea. Isang exclusive village na tanging mga taong nakakaangat lamang sa buhay ang may kakayahang magmay-ari at magkaroon ng properties sa lugar. Lingid sa kanilang kaalaman ay magkakaroon ito ng koneksiyon sa buhay ng mga lalaking magkakaibigan na dumalo rin sa okasyong iyon. Hindi nila inaasahan na bawat isa sa kanila ay dito matatagpuan ang mga lalaking nakatakda para sa kanila. Hindi man sila noon nagkakila-kilala, ngunit sadyang kapalaran nila ang magtatagpo tagpo sa kanila.

Who would even predict that their journeys to fall in love will start right at that very moment?

Lumipas man ang ilang taon at lahat sila ay may kanya-kanya nang buhay at pinagkakaabalahan, mapadpad man sila sa kahit saang panig ng mundo, love and destiny will always find their ways. At iisang lugar pa rin ang babagsakan nilang lahat. The place where it all started...The place where they first encountered.... The place where their journeys to fall in love begin...

Paano pagtatagpuin ng kapalaran ang sampong pares ng puso? Paano babaguhin ng pag-ibig ang buhay ng bawat isa?

Abangan, ang mga mangyayari sa kani-kanilang buhay as they enter the world of romance dito sa Trip To Fall in Love Series!

Chapter 1

"I'm not a girl, not a yet a woman. All I need is time, a moment that is mine..." nakataas ang paa ni Pedro a.k.a Pixie, ang baklang officemate ni Denise nang bigla siyang pumasok at naghihimutok sa galit.

"That's it! I quit! Sumusobra na iyang panot na iyan!" nagdadabog na nagligpit si Denise ng kanyang mga gamit. Natigilan ang baklang si Pixie sa pagkanta.

"Ano'ng ginagawa mo bruha? Bakit nag aalsa balutan ka?" lumapit ito sa lamesa niya at tinawag ang isa pa nilang officemate sa isang sikat na lending company na pinagtatrabahuhan nila.

"Hindi ko na keri ang kamanyakan ng panot na iyan!" reklamo niya.

"Bakit? Ano nanaman ba ang ginawa saiyo?" sabi ni Alisa na nakalapit na rin sa mesa niya.

"Sukat niyo ba namang akalain na pinapasok ako sa office niya dahil may ipapagawa raw sa akin. Pinaupo ako sa silya at may dinidiscuss siya sa akin na nakalagay sa folder. Akala niya siguro ay hindi ko mahahalatang sadya niyang isinasayad ang kamay niya sa dibdib ko habang itinuturo niya sa akin ang mga nakasulat sa folder na iyon!" namumula na siya sa galit. Hindi na nagulat ang dalawa niyang officemates dahil alam ng mga ito na matagal na siyang pinag-iinteresan ng asawa ng boss nila.

Babae ang tunay nilang boss. At dahil nga nakaleave ito dahil bagong manganak ay ang asawa nitong pandak at mataba na nga ay napapanot na rin ang buhok ang pagsamantalang namamahala sa lending company na iyon.

"Sa ganda mo'ng iyan naman kasi pagsamantalahan ka talaga noh!" pumipilantik ang mga daliring sabi ni Pixie.

"Eh kaya nga pinupush ko na 'tong boyish look ko eh."sagot ni Denise. Hindi pa rin nawawala ang galit niya.

"Ang lakas ng loob ni Sir para gawin iyon saiyo. Eh, hanggang balikat mo nga lang iyong pandak na iyon di'ba?" natatawang sabi ni Alisa.

"So, seryoso na iyang pag-aalsa balutan mo?" nakapamaywang na sabi ni Pixie.

"Ano pa nga ba?" Sagot ni Denise. Malapit na siyang matapos sa pagliligpit ng kaunting gamit niya roon.

"Paano na iyong mga alaga ng nanay mo na pinag-aaral mo?" nang sabihin iyon ni Pixie ay natigilan siya sa ginagawang pagliligpit.

What Makes a Man (Denise) T2FIL Series Book 5Where stories live. Discover now