Chapter 5

295 11 4
                                    

Ngayong gabi ay silang dalawa na lamang ang magkatabing matutulog

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ngayong gabi ay silang dalawa na lamang ang magkatabing matutulog. Hindi siya sanay dahil nasanay na siyang silang tatlo ang magkakatabi sa higaan. At ngayong gusto ni Sizzy ng kapatid ay hindi na siya nagpilit na tumabi pa sa kanila. Naiilang siyang silang dalawang mag-asawa lang ang nasa loob ng malawak na kwartong iyon. Bagamat malaki naman ang kwarto ay hindi niya maiwasang mapatingin rito lalo na nang lumabas si Vinson sa banyo dahil kakaligo lang. Nakatapis lang ito ng puting tuwalya at wala pang pang-itaas. Basang basa pa ang katawan nito at kitang kita niyang tumutulo ang ilang butil ng tubig sa abs nito. Ibinabaling na lamang niya ang paningin sa palibot ng kwarto. Kung minsan ay kunwaring manonood siya ng tv kahit hindi naman siya mahilig manoond ng tv.

Inaakit ba ako ng isang ito? Tanong ng utak niya. Noong mga gabi kasi na naroon si Sizzy ay hindi naman lumalabas si Vinson sa banyo ng ganoon ang itsura. Habbit na kasi nito ang maligo bago matulog, ngunit nakabihis na ito kapag lumabas sa banyo. Pero may kakaiba ngayon dahil kanina pa si Vinson lakad ng lakad sa loob ng kwarto na tanging tuwalya lang ang saplot sa ibabang parte ng katawan. Kinakabahan na tuloy siya sa balak nito.

Parehas sila nasa sala ng kwartong iyon. May sala kasi ang mga kwarto sa mansiyon na iyon kabilang na ang kwartong inuukupa nila. Naroon si Vinson na patuloy sa paghahanap ng bagay na hindi naman alam ni Denise kung ano. Habang siya naman ay patuloy sa pagpindot ng remote control na wala namang palabas na nagugustuhan dahil nadidistruct siya sa ginagawang pagrampa ni Vinson sa harap niya.

Akma namang tatayo na lamang siya para magtungo na sa kama nilang dalawa ay nasagi pa siya sa tuwalyang nakapulupot sa beywang nito. Dahilan kung bakit kusang dumaosdos ang tuwalyang tanging saplot ni Vinson.

"Oh no!" agad siyang tumalikod para hindi masaksihan ang kung anong ididisplay na nalaglag ng tuwalyang iyon.

"Oops! Sorry."Agad pinulot ng asawa ang tuwalya na tila natatawa pa sa nangyaring iyon.

"Ano ba kasi'ng hinahanap mo Vinson? Gusto mo tulungan nalang kita? na bobother na ako saiyo." sabi niya pero nakatalikod parin.

"I'm looking for my brief. Tinago mo?"

"What?! Baliw ka na? May dressing room ka diba? Bakit sa sala ka naghahanap ng brief?" nagawa niyang lumingon dahil sa sinabi nito. Mabuti at nakatapis na ulit ito.

Natawa si Vinson sa reaksiyon niya ng humarap siya.

"I'm just kidding. May hinahanap akong magazine. May article kasi akong babasahin." Namaywang ito at luminga linga sa paligid ng kwarto. Never niyang naimagine sa buong buhay niya na may gwapong nilalang na pinagpala sa pangangatawan ang half naked na haharap sakanya at namaywang pa na tila binibigyan siya ng blessing na pagsawaan ng tingin ang katawang iyon.

"Pwede magbihis ka na muna at tutulungan kitang maghanap ng magazine mo?" Sabi niya na naghanap na rin ng magazine para mawala ang atensiyon niya sa matipunong katawan nito.

What Makes a Man (Denise) T2FIL Series Book 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon