Chapter 10

562 13 2
                                    


Ikatlong araw nang wala si Sizzy. Nagkulong lang sa kwarto si Denise dahil wala naman siyang gagawin. Naisipan niyang dumungaw sa bintana. Nakita niya si Vinson na may kausap na babae sa garden.

"Akala ko ay nasa trabaho siya. Bakit may kasama siyang babae rito?" hindi niya maintindihan kung bakit siya nagsasalita nang mag-isa. Naisip niyang lumipat ng kwarto kung saan makikita niya ng maayos ang dalawa. Nagtago siya sa makapal na kurtina. Sigurado siyang hindi siya makikita ng dalawa sa pwesto niyang iyon.

Nag-iinuman ang dalawa sa garden. Maya maya pa ay kumandong ang babae kay Vinson. At sa nakikita niya gusto rin naman ni Vinson ang ginawang iyon ng babae.

"Ah, gusto mo iyan ah! Mabuti at hindi ako pumayag magpabuntis saiyong litse ka. Pasalamat ka hindi kita jowa dahil pag nagkataon na jowa kita at nalaman kong niloloko mo'ko, babasagin ko ang mukha mo." Sabi niya sa sarili niya. Alam niyang walang makakarinig sakanya dahil nilock niya ang pinto at mag-isa lang siyang naroon. Nanggigigil talaga siya nang mga oras na iyon.

Nang makita niyang naghahalikan na ang dalawa ay bigla siyang natigilan. Parang sinimento na siya sa kinatatayuan niya. Hindi niya rin alam kung bakit parang tinitiris ang puso niya nang mga oras na iyon. Madalas silang mamroblema sa pera at makakain. Akala niya lahat na ng klase ng problema ay nakaharap na niya. Akala niya lahat ng sakit ay naramdaman na niya, ngunit iba ito. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. Na parang may pumipigil sa paghinga niya. Na parang may kumokontrol sa galaw niya dahil hindi niya magawang kumilos ng normal. Kanina pa sana niya iniwan ang kwartong iyon at pinabayaan na lamang ang asawa niyang makipaghalikan sa babaeng iyon. Dapat nga ay matuwa siya na may matipuhan nang ibang babae si Vinson para makalaya na siya. Tutal ay may ipon na siyang sapat na pera para muling makapag umpisa. Nabigyan niya na rin ng maliit na negosyo ang nanay niya at nailipat sa magandang bahay ang pamilya niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya nalulungkot ng ganoon ngayong nakita niyang ibang babae ang binibigyan ni Vinson ng atensiyon.

Mula nang ikasal sila ay naging mabuti ito sakanya. Itinuring siyang tunay na asawa. Ngunit hindi niya nga sineryoso ang pagmamamahal na ipinapakita nito dahil sa alam niyang hindi naman sila totoong may relasyon.

Kahit nga nasa isang kwarto lang sila madalas ay hindi siya nito ginawan ng masama. Inisip na lamang niya na hindi naman kasi ito attracted sa kanya o baka gentleman lang talaga ito para pag nasahan siya.

Ngayon ay narealize na niyang napakalayo nga talaga niya sa mga babaeng nakapaligid rito. Ang nakikita niyang babaeng nasa kandungan ni Vinson ngayon ay napakasexy. Litaw na litaw ang kasexyhan nito. Nakadamit ito ng hapit sa katawan at napakaiksi kaya kitang kita ang legs. Ito yung tipo ng babae na kahit sinong lalaki ay mapapalingon.

Sa wakas ay nagawa niyang umalis mula sa bintanang iyon kung saan nasaksihan niya ang pagtataksil sakanya ng asawa. Na hindi niya naman kasi itinuring na asawa. Dalawang bagay ang naiisip niya sa ngayon. Kahit papaano ay nagpapasalamat siya dahil hindi siya nagpadala rito. Hindi siya nagpatangay sa kagwapohan nito at hindi niya ipinakitang mahal niya na rin ito. Mabuti na lamang at napanatili niyang siya lang ang nakakaalam sa paghanga niya rito. Ang isa pang nararamdaman niya ay pagsisisi. Kung siguro ay sinuklian niya ang pagmamahal na ibinigay nito sakanya ay maaaring nahulog ang loob nila sa isa't isa. Kung hindi lang sana niya pinigilan ang sarili na mahalin ito. Kung hindi lang sana siya natakot na matapos ang kontratang iyon.

Pumasok siya sa banyo ng kwarto kung saan siya naroon. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin na naroon. Nakikita niya ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata niya. Pinagmasdan niya ang kanyang sarili mula ulo hanggang paa. Ano nga ba naman ang magugustuhan ni Vinson sa kanya. Lagi siyang naka t-shirt tagong tago ang kanyang katawan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What Makes a Man (Denise) T2FIL Series Book 5Where stories live. Discover now