Chapter 4

317 13 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Pumasok ka na sa loob. Maaga tayong aalis bukas." Sabi ni Vinson. Galing sila sa hotel kung saan sila nagstay ni Denise, bilang palabas na honeymoon nga nila noong nagdaang gabi. Ang totoo ay magkahiwalay sila ng kwarto sa hotel kung saan rin ginanap ang palabas nilang kasal.

"Saan tayo pupunta?" nilingon niya ito.

"Sa bahay ko." Nakapamulsang sabi nito.

"Hindi ba't narito na tayo sa bahay mo?"

"Maghohoneymoon tayo sa bahay ko sa Siquijor."

Alam niyang ang honeymoon na sinasabi nito ay palabas lang nila para isipin ni Sizzy na totoong mag-asawa nga sila. At isa pa ay balak din nitong pagbakasyunin ang bata dahil ilang araw nang nakakulong lang sa mansiyon mula nang kunin raw nito ang bata sa tiyahin nito na si Antonina.

"Siquijor? Hindi ba't nasa Isla Aldea ang isa pang bahay mo?"

"Saka na kita dadalhin doon. At isa pa, may mga kaibigan kang may bahay na rin doon hindi ba? Ayokong pumunta punta ka lang sa mga bahay nila roon at makipagdaldalan sa kanila. Gusto ko ay full time ka sa pag-aalaga kay Sizzy. Afterall, Sizzy is your priority." Sabi nito at tumalikod na. Ang sinasabing isla ni Denise ay ang La Famosa Isla Aldea, isang island village kung saan may property si Vinzon roon at balita niya ay may property rin doon ang napangasawa ng dalawa sa siyam niyang kaibigan.

Sumunod siya rito papasok ng bahay. Nang makaakyat na sila sa ikalawang palapag ay pumasok na siya sa kwarto niya. Magkahiwalay ang kwarto nila. Tatlong kwarto ang pagitan ng tinutuluyan niya. Narinig nila ang boses ni Sizzy akmang papasok na si Vinson sa sarili nitong kwarto.

"Why are you still in separate rooms Tito Daddy? You are a couple now and you are supposed to sleep together in your room." Nagkatinginan sila ng sabihin iyon ng batang nasa limang taon pa lamang. Parang matanda na ito kapag nagsasalita dahil nga puro matatanda ang nakakasalamuha.

Napakamot ng ulo si Vinson at ngumiti sa bata. Hindi talaga ito nakakatanggi sa bata. Iyon lang ang hindi nagugustuhan ni Denise kay Vinson. Ang pagspoil sa batang ito. Kung sa pakikitungo sa kanya, sa pag aalaga at pagtratong parang tunay na mag-asawa sila ay perfect ito para sa kanya. Pero pagdating sa pagdidisiplina sa batang ito ay kontra siya kung paano ito iispoil ng kanyang 'asawa'.

"Ah, oo nga noh?" binalingan siya ni Vinson.

"Hindi ba pwedeng bukas na lang Sizzy? Pagdating natin sa Siquijor. Pwede?" parang amo nila ni Vinson ang batang ito. Kapag kasi ito nagwala ay magkakagulo nanaman silang lahat roon. Pinilit niyang ngumiti para nice ang dating ng approach niya sa bata.

"How about we sleep together in daddy's room?" suhestiyon ng bata

"Sure!" agad na sagot ni Vinson kaya hindi na siya nakatanggi.

Tiningnan ni Denise ng masama si Vinson sa ginawa nitong pag agree.

"Tara na Mommy. Pasok na tayo sa kwarto ni daddy. Hinatak siya ng bata." Malapad ang ngiti ng asawa nang lingunin niya ito.

What Makes a Man (Denise) T2FIL Series Book 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon