Chapter 7

243 8 0
                                    


Ginamit niya ang perang ibinigay ni Vinson para makapag umpisa ng panibagong buhay. Lumipat sila sa isang maayos na bahay. Nagbukas rin ng sari sari store sa tapat ng inuupahang bahay na mas maayos kumpara sa dati nilang tirahan. Kahit pilit niyang kalimutan ang batang si Sizzy at si Vinson ay palagi niya pa ring naalala ito.

Ilang araw nang nagkukulong si Sizzy sa kwarto nito. Ilang beses nang nagtangka si Vinson na kausapin ang bata ngunit umiiyak ito kapag nilalapitan niya. Tanging ang mga nanny lang nito ang binibigyan ng pagkakataon na makalapit sa kanya. Galit ito kay Vinson dahil sa ginawa raw nitong pag-iwan kay Denise sa maliit na bahay na iyon. Ilang beses na rin siyang pinakiusapan ng bata na kunin ang pamilya ni Denise at doon na patirahin sa kanila. Na ilang beses namang tinganggihan ni Vinson dahil alam niyang galit sakanya si Denise. Hindi niya alam kung bakit hindi siya magawang mahalin ng asawa. Kahit ilang beses niya na rito sabihing kasal sila at walang masama kung pagbibigyan nila ang hinihinging kapatid ng bata.

"Hihiwalayan mo na ng tuluyan si Denise?" tanong ni Vincent, naroon sila sa La Famosa Aldea sa bahay ni Redge. Doon nila napagkatuwaang magkita kita.

Nanatiling walang imik lang si Vinson habang umiinom ng alak. Nilalaro nito sa kamay ang wedding ring na nakita niyang iniwan ni Denise sa kanyang drawer kasama ang kwentas ng pamangkin niya. Nasaktan siya nang makita niyang inalis ito ng babaeng tinuring niya nang tunay na asawa. Akala niya ay mapapaibig niya ito habang nasa piling niya ngunit nabigo siya. Nalaman ng mga kaibigan niyang naghiwalay na sila. Nalaman rin niya mula kay Nathan na lumipat na nga bahay si Denise at ang pamilya nito dahil matalik na kaibigan ni Denise ang napangasawa ni Nathan na si Phoebe. Ngunit ayun dito ay hindi sinabi ni Phoebe kung saang lugar lumipat ang pamilya ni Denise.

"I treated her as my wife. Naging mabuti akong asawa sakanya." Himutok nito habang patuloy sa paglagok ng alak. Hindi niya binibitawan ang mamahaling singsing na ipinagawa niya para lamang kay Denise. Naninibago na ang mga kaibigan niya sakanya. Maging siya ay naninibago sa mga kilos niya. He never gets drunk like this before and become upset for a woman. Ilang araw na rin siyang parang miserable sa sarili niyang bahay. Sizzy is still mad at him. Kumakain lang ito sa kwarto at dinadalhan ng nanny nito. Ang sabi nito ay hindi siya kakausapin hanggang hindi niya pinapabalik sa bahay si Denise. Nang sabihin niya ritong maghahanap na lang siya ng magiging mommy nito ay nagwala si Sizzy.

"Mukhang tinamaan ka na sa kanya, Pare." Sabi ni Marco habang pinagmamasdan ang kaibigan.

"Bakit hindi mo na lang kasi balikan?"sabi ni Raven.

"She hates me."napapailing na sabi ni Vinson na muling lumagok ng alak.

"Pare, parang ngayon lang kita nakitang naglasing ng ganyan. Nagpapakamatay ka?" sabi ni Redge. Galing ito sa kusina at dala dala nito ang inihaw na bangus.

"Exactly, nagtataka nga kami. I think our friend here is in love." Natatawang sabi ni William. Pinipilit nilang pagaanin ang sitwasyon kahit nabibigatan na sila sa nakikita nilang dinadanas ni Vinson ngayon. Childhood friends kasi silang sampo dahil ang kanilang mga magulang ay ang mga pioneer ng kilalang La Famosa Aldea.

"Love? Lintik na love iyan. Kung hindi dahil diyan hindi ganito kamiserable ang buhay ko. If she loves me, hindi niya ako iiwan!" napayuko ng ulo si Vinson. Sa tingin ng mga kaibigan niya ay lasing na ito.Kung anu ano na kasi ang sinasabi nito.

"Tama na iyan pare. Magmamaneho ka pa pauwi." Inawat ito ni Adrien at binawi mula sa mga kamay nito ang isang bote ng alak na nangangalahati na.


"Ihahanap ka nalang namin ng ibang mapapakasalan mo."suhestiyon ni Marco

What Makes a Man (Denise) T2FIL Series Book 5حيث تعيش القصص. اكتشف الآن